^

PSN Showbiz

Ginagawang "casa" ang bahay!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kahit pala may mga shows ang sikat na sexy star na ito ay may iba pa itong sideline dahil ayon sa isang source (taga-showbiz din) ay nagpapapunta ito ng lalaki sa kanyang bahay for short time ng pakikipagromansa at siyempre, may bayad ito.

Naikwento pa ng aking source na minsan ay dumalaw siya sa bahay ng sexy star. Hindi pa siya nagtatagal ay balisa na ang aktres dahil gusto na silang paalisin. Yun pala ay may bisita itong foreigner na kailangan ang kanyang serbisyo.

Kaya kahit matamlay ang kita sa showbiz ay can afford pa rin siya dahil sa mayayamang Papa na ‘dumadalaw’ sa kanyang bahay.
Paborito Ng Mga Director
Halos lahat ng nakatrabaho ni Angel Locsin na mga director ay gusto siya uling makatrabaho. Pinakahuli si Quark Henares dahil propesyonal daw ito. Kahit si Direk Joel Lamangan na director niya sa Mano Po 5 ay puring-puri rin ito dahil kapag dumarating sa set ay handa na at memoryado na ang linya. Kahit sikat ay never pa itong dumating ng late sa set.

May outline ang aktres na ginagawa niya tuwing may pelikula at isinusulat ang mga bagay na ginamit sa mga eksena (lalo na para sa continuity) kaya hindi siya nagkakamali.

Kagagaling lang nito ng Bangkok kung saan nag-shoot ito ng isang commercial ng shampoo.
Maaasahan Sa Show
Ipinakita ni Katarina Perez na magaling siyang performer nang maimbitahang guest sa Miss Chinatown Mall Tour. Kumanta ito at maganda ang rapport niya sa audience.

Pagkatapos ng White Lady ay di pa nasundan ang proyekto kaya nagbakasyon muna ito sa Sweden. Pangarap niyang makasama uli ang cast ng Idol Ko Si Kap. Naging close sila sa nasabing show ni Sen. Bong Revilla, Jr. at itinuring niyang parang Kuya sa tunay na buhay.

Speaking of Miss Chinatown, dun sa gustong sumali sa patimpalak kagandahan ay narito ang mga requirements: single, female, 17-25 years old with Chinese ancestry, at least 5’5" at one year residency sa Pilipinas. Dalhin lang ang updated bio-data at i-attach ang 3 non-returnable snapshots (1 full length, wearing swimsuit, 1 facial shot and 1 half body) at photocopy ng birth certificate.

Ipadala ito sa NGO Program Secretariat Groundfloor Old PNB Bldg. Escolta sa tel. blg. 302-6940 at 3026850 o Solar Entertainment 16 Jupiter St. cor. Antares St. Bel Air Makati sa tel. blg. 898-2248 at 898-2228.

Ang Miss Chinatown Beauty Pageant ay idaraos sa Nobyembre 21, 2006 sa Philamlife Auditorium at mapapanood sa Channel 9 thru Solar Entertainment Corporation hosted by Pia Guanio.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANTARES ST. BEL AIR MAKATI

BONG REVILLA

IDOL KO SI KAP

JOEL LAMANGAN

JUPITER ST.

KAHIT

KATARINA PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with