^

PSN Showbiz

Niregaluhan ni Songbird ng i-Pod!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Naalala n’yo ba yung kantang "Perfect" ng TrueFaith? Minsan din itong ginawan ng sariling version ni Regine Velasquez sa kanyang "Covers 1" album ka-duet si Medwin Marfil, soloist ng TrueFaith last year.

"Siyempre it’s such a honor for me to work with Regine," pagmamalaki ni Medwin.

Pero ang hindi malilimutan ni Medwin ay nang minsan siyang habulin ni Regine pagkatapos nila uling magkita.

"Flattered ako kasi talagang hinabol pa niya ako, sabay sabi sa akin na ‘Med may regalo ako sa iyo,’" balik-tanaw ni Medwin.

Pagdating ni Medwin sa kotse, inabot lang niya sa kasama ang regalo ni Regine na small box.

"Akala ko kasi mug lang ito na may pangalan ni Regine... on the wings of love," sabay halakhak ni Medwin. "Pero nung buksan ng kasama ko ang regalo, laking gulat namin kasi mamahaling i-Pod," tuwang-tuwang kwento ni Medwin na hanggang ngayon daw ay iniingatan pa rin niya ang regalo ng Songbird.

Ang isa pang magandang kuwento ni Jake ay nang manood sila ng mga kaibigan niya last week ng pelikulang V for Vendetta sa SM Megamall. Feel na feel niya ang movie dahil iyak daw siya nang iyak habang pinanonood ito.

"Maganda kasi ang movie it’s about justice, faith, truth, love and respect. As an artist mari-realize mo na hindi ka lang sumusunod sa agos ng buhay. Kundi alam mo na you have a purpose in life. Ito ang gusto mong mangyari but you don’t need to be rebelious," madamdaming paliwanag ni Jake sabay hawak sa kanyang dibdib.

Sa dalawang taon na pananahimik ng TrueFaith, may bago silang album na pinamagatang "Stray To Be Found" under EMI Records na naglalaman ng 15 cuts tulad ng "Dahil Ikaw," "Sigaw Nga," "Araw’t Gabi," "Friend," "Kapiling Mo," at marami pang iba.

"Stray To Be Found" ang title ng album namin kasi minsan sa buhay kailangan mo munang mawala. Mag-lie low, lumabas sa sistema para mahanap mo kung ano ang kulang sa iyo," paliwanag ni Jake.

Ang TrueFaith din ang kumanta ng "Dahil Ikaw" themesong ng teleseryeng Sa Piling Mo nila Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Sa magagandang bagong kanta ng TrueFaith, tiyak na muli na naman itong magmamarka tulad ng mga pinasikat nilang "Perfect," "Huwag Na Lang Kaya," at "Muntik Nang Maabot Ang Langit."

Ang TrueFaith ay binubuo nina Medwin Marfil (vocals), Eugene Marfil (guitars), Jake Lumacad (keyboard), Bimbo Yance (bass), Benedict Esguerra (drums) at Kenneth Ilagan (guitars).

vuukle comment

BENEDICT ESGUERRA

BIMBO YANCE

DAHIL IKAW

EUGENE MARFIL

HUWAG NA LANG KAYA

JAKE LUMACAD

JUDY ANN SANTOS

MEDWIN

STRAY TO BE FOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with