^

PSN Showbiz

Direk Lino, napikon sa isyung Bianca/Zanjoe, nagtungo ng Europe!

-
Hindi na nakayanan ni Direk Lino Cayetano ang gabi-gabing panonood ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition kung saan nakikita ng dalawang mata niya na nakikipaglambingan ang girlfriend niyang si Bianca Gonzales sa Bench model na si Zanjoe Marudo.

Nakadagdag pa ang sobrang pressure na nakukuha niya sa ilang kaibigan na tinutukso siya everytime na papasok siya sa ABS-CBN kung saan isa siya sa in-house director ng mga programang Komiks, Little Big Star at iba pa kaya naman nag-alsa balutan si Direk Lino at lumipad patungong Europe.

Ayon sa kwentong nasagap namin sa taga-Dos ay, "Napikon na, kasi niloloko pa siya ng ibang kasamahan namin, nagbakasyon muna for three weeks to one month. Nagpalipas lang muna ng sama ng loob."

Dagdag pa na parang sinisisi pa ng nabanggit na director ang sarili kung bakit pa niya pinayagan ang girlfriend niyang sumali sa PBBCE samantalang hindi naman dapat.

"Actually, hindi naman nag-audition si Bianca sa PBBCE, hiniling lang ng taga-PBB na kung puwedeng isali siya, ipinakiusap lang nga sa manager ni Bianca na si tito Boy Abunda at pumayag naman. Tiyak kung alam din ni tito Boy na nandoon si Zanjoe o may ganung mangyayari, baka hindi rin niya pinayagan si Bianca kasi nakakahiya kay Direk Lino," kwento pa sa amin ng taga-ABS.

Kailan lang umalis ang director kaya sa big night ng PBBCE sa April 1 ay tiyak na wala siya para salubungin ang kanyang girlfriend dahil sa sama ng loob o baka naman biglang magbago na rin ang desisyon ni Direk Lino at bigla nitong iklian ang bakasyon.

Sana nga totoo ang sinasabi ng lahat na baka na-miss lang ni Bianca si Direk Lino at si Zanjoe ang napagbalingan at magigising ito paglabas niya ng Bahay ni Kuya.
* * *
Aminado si Dennis Trillo na talagang hindi maabot ng Majika ang rating na itinala ng Darna sa pilot episode nito.

Nakamit kasi ng Darna ang 48% sa unang gabi ng pagpapalabas nito samantalang 34% lang ang Majika at tumaas naman ito sa sumunod na gabi sa rating na 35%.

"Talagang phenomenal na yung Darna kasi kilala siya at hindi na bago sa tao kasi super heroine yung character unlike Majika, bago, parang Mulawin. Halos ganito rin naman ang Mulawin noon, mababa tapos tumataas.

"Kaya naniniwala ako na tataas ang Majika, hintayin lang natin," paniniwala ng aktor.

At sa bago niyang pelikulang Pamahiin under Regal Entertainment na idinirek ni Rahyan Carlos ay tahasang sinabi ng aktor na very proud siya sa movie na ito dahil, "First time kong gumawa ng horror film at gusto ko kasi ang ganda ng pagkakagawa. Halos lahat ng pelikulang nasasamahan ko ay pawang kakaiba ang role, tulad sa Aishite Imasu, first time kong maging gay, sa Blue Moon, first time kong makasama ang mga magagaling na artista at dito sa Pamahiin, first time rin yung ganitong concept," paliwanag ni Dennis.

Gusto uling subukan ni Dennis ang role na bading dahil challenging, sayang nga at hindi naman in-offer sa kanya ang pelikulang Lihis na mala-Brokeback Mountain kung saan may lovemaking ang dalawang lalaki.

Kaya’t hindi trulili ang balitang tinanggihan ni Dennis ang Lihis, "Wala akong tinatanggihan, sayang naman," sambit ng aktor.

—REGGEE BONOAN

vuukle comment

AISHITE IMASU

BIANCA

BIANCA GONZALES

DARNA

DIREK LINO

MAJIKA

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with