^

PSN Showbiz

Alice Dixson, instant nanay ni Kristine

RATED A - Aster Amoyo -
Kung tatlu-tatlo ang programa ni Jolina Magdangal sa GMA-7, ganoon din ang isa pang transferee from ABS-CBN na si Pia Guanio. Dalawa ang daily program nito, ang Eat Bulaga, 24 Oras at pangatlo ang S-Files tuwing araw ng Linggo. Hindi kaya nanghihinayang ang ABS-CBN na ang mga talents na kanilang pinakawalan ay siya namang umaangat ng husto sa karibal nilang istasyon?  Ang iba pang talents ng Star Network na lumipat sa GMA ay sina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Pauleen Luna, Julia Clarete, Nadine Samonte, Paolo Contis at iba pa.
* * *
Paano kaya napapayag si Alice Dixson ng OctoArts Films at M-Zet TV Production na gumanap na ina ni Kristine Hermosa sa Enteng Kabisote...The Legend Continues na pinangungunahan ni Vic Sotto

Sa tunay na buhay, wala pang anak si Alice Dixson at napakabata pa nitong magkaroon ng isang anak na kasing edad ni Kristine.  Although si Alice ang orihinal na gumanap na Faye sa dating sitcom na Okay Ka, Fairy Ko, sa movie version nitong Enteng Kabisote ay si Kristine na ang gumanap. 

Sa Enteng Kabisote.... The Legend Continues ay si Alice naman ang gumanap sa papel na Ina Magenta na unang ginampanan ng yumaong si Charito Solis. Parehong diwata ang mag-inang Ina Magenta at Faye sa pelikula at ang mga diwata ay hindi tumatanda kaya halos parang magkapatid lamang ang hitsura nina Alice at Kristine.

Bukod kina Vic, Kristine at Alice, tampok din sa Enteng Kabisote....The Legend Continues sina Oyo Boy Sotto, Aiza Seguerra, Victor Neri, Jeffrey Quizon, Melanie Marquez, Toni Rose Gayda (sa kanyang kauna-unahang pelikula), Bing Loyzaga, Ruby Rodriquez, Jeffrey Quizon, Jose Manalo at marami pang iba mula sa direkyon ng box office director na si Tony Y. Reyes.
* * *
Ano kaya ang nangyari at tila biglang lumamig ang balita tungkol kina Keempee de Leon at Francine Prieto, dalawa sa mga tampok na bituin ng top-rating sitcom na Bahay Mo Ba ‘To? There was a time na uminit ang balita na nagkakamabutihan umano ang dalawa pero ito’y natigil nang ma-link si Keempee sa nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes.

Maganda ang chemistry nina Francine at Kempee sa Bahay Mo Ba ‘To kaya nga siguro na-link ang dalawa at kung saka-sakali mang matuloy ang relasyon ng dalawa, wala naman sigurong magiging problema dahil pareho silang un-attached? Sinabi rin noon ni Francine na hindi umano mahirap mahalin si Keempee dahil napakabait umano nito.   
* * *
Hindi na dapat intrigahin pa sina Angel Locsin at Nadine Samonte dahil pareho na silang masaya sa kanilang respective lovelife.  May Oyo Boy Sotto na si Angel at non-showbiz naman ang boyfriend ngayon ni Nadine.

Speaking of Angel, napag-alaman namin na ibabalik ng GMA ang tambalan nina Angel at Richard Gutierrez na nag-click nang husto nang pagtambalin sila sa Mulawin TV series. 
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALICE DIXSON

BAHAY MO BA

CENTER

ENTENG KABISOTE

INA MAGENTA

JEFFREY QUIZON

KRISTINE

LEGEND CONTINUES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with