^

PSN Showbiz

Ina ng kambal ni Marvin, kunin kayang ninang si Jolens?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Darating ngayon ang kambal ni Marvin Agustin mula sa San Francisco dala ng inang si Tetet Dy. Sa pictures palang namin nakita sina Sebastian at Santiago na ayon kay Marvin, magkamukha pero, ‘di identical.

Sa mommy nila mag-i-stay ang kambal pero, araw-araw niyang dadalawin at tutulong siya sa pag-aalaga’t pagpapalaki dito. Nabinyagan na sa Sanfo ang mga bagets at may blessing ding gagawin dito. Pag-uusapan pa raw nila ni Tetet kung sino ang mga kukuning ninang at ninong.

Naalala namin ang sagot ni Jolina Magdangal nang tanungin kung papayag siyang mag-ninang sa mga anak ni Marvin? Inalam naman namin sa actor kung kukunin nilang ninang si Jolina?

"Puwede. Pero, ‘di pa kami nag-uusap ni Tetet. Kaming dalawa ang magdi-decide noon."

Dumoble ang sipag ni Marvin sa pagdating ng kambal. Tinatapos niya ang Kutob sa Canary Films at inaasikaso rin ang magkasunod na pagbubukas ng Sumo Sam Japanese-American Restaurant sa fifth level ng Shangri-La Mall sa November 15 at opening ng Tia Loca sa Gateway Mall.
* * *
Dahil napanood na naggitara’t kumanta sa Sis, may offer na naman kay Dennis Trillo na mag-recording. Pero, ayaw pa ng manager nitong si Popoy Caritativo na mag-shift ng field ang actor dahil hindi pa right time. Hindi raw balladeer ang binata’t baka ballad songs ang ipakanta rito.

On Dennis part, gustuhin man nitong maging recording star, hindi pupwede sa napaka-hectic niyang schedule. Lagare siya sa taping ng Darna at Now & Forever (Agos) at nagsu-shooting din ng Mulawin the Movie at Blue Moon. Pipilitin niyang makasama sa Book 2 ng Encantadia at baka hindi na siya matulog kung pati ang pagiging recording star ay gawin din niyang career.
* * *
Ibinuking ni Sharon Cuneta sa launching ng kanyang Sharon Sings Alcasid album from BMG Music Entertainment na may MA o Mutual Admiration sila ni Ogie Alcasid. Ito ang itinuro niyang dahilan kung bakit napadali ang paggawa niya ng album na majority ay sinulat nito.

Dream come true sa dalawa ang kanilang collaboration sa 14-track album at dahil successful, may posibilidad na magkaroon ng volume 2. Ang "Sa Kanya" ang first single release na ginamit na theme song ng Attic Cat at sabi ni Sharon, may isa pang song sa album na gagamitin sa isa pang Koreanovela ng GMA-7.
* * *
Sabay ng pilot ngayong Lunes ng Frog Prince sa GMA-7 ang dating ng major cast ng Chinovela. May mga kilala kaming mag-aabang sa Centennial Airport para unang makita sina Joe Chen, Vicky Zhao, Sam Wang, Ming Dao at ibang members ng 183 Club na nag-guest sa Chinovela.

vuukle comment

ATTIC CAT

BLUE MOON

CANARY FILMS

CENTENNIAL AIRPORT

CHINOVELA

DENNIS TRILLO

FROG PRINCE

GATEWAY MALL

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with