^

PSN Showbiz

Singer, nag-buntis ng walang asawa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Pinag-uusapan ng ilang press people ang tungkol sa sikat na singer na ka-live-in ng isa ring musikero. Dati ay napaka-sexy ng singer, pero ngayon ay halatang nanganak na.

Ayon sa aming source ay nagtungo ng ibang bansa ang singer at ipinalabas na nanalo sa isang singing competition. Pero nagtataka sila dahil kung totoo nga ito ay bakit ni wala siyang kuhang larawan sa abroad hawak ang trophy o kaya’y nagpa-presscon tungkol sa karangalan dahil hawak naman ito ng isang sikat na recording company?

Ayon sa tsika ng aming source ay nabuntis ng ka-live-in ang singer at sa abroad itinago ang paglaki ng tiyan at panganganak. Pero sinasabi pa rin nito na hanggang ngayon ay dalaga pa rin siya.
Buhay-Pinoy Sa Dubai
Ipinaliwanag ni Direk Rory Quintos kung bakit Dubai ang pamagat ng bago niyang pelikula. "Nagsimula ito sa pangako sa mga OFWs sa Dubai na isasapelikula ang kanilang buhay dun at ipamamalas ang kagalingan ng mga Pinoy. Hindi lang domestic helpers ang nagtatrabaho dun nating kababayan kundi mga Pinoy na may matataas na katungkulan.

"Wala doon discrimination kaya malayang nakakapagtrabaho ang ating mga kababayan sa Dubai," anang director.

Maganda rin ang tinuran ni Aga Muhlach, sinabi niyang ipamamalas sa pelikulang Dubai ang buhay ng OFW na naglalarawan ng away-bati ng mga Pinoy, ang paggamit ng tabo, pag-aaway sa pag-ibig at sa pera.
Pangarap Ni John Lloyd
Ang pelikulang Dubai ay katuparan ng pangarap ni John Lloyd na maka-graduate na sa boy-next-door image at pagganap ngayon sa real mature role.

Naitanong din namin kay John kung sino pa ang pangarap nitong makapareha. "I would like to work with Lorna Tolentino dahil bukod sa maganda ay napakagaling niyang umarte. Nagkasama na kami sa telebisyon sa soap opera na Kay Tagal Kitang Hinintay. Kahit pang May-December affair ang tema ng pelikula namin ni Ms. LT ay gusto kong makasama siya. Sa mga young actresses naman ay type ko si Angelica Panganiban dahil magaling din siya," aniya.

May communication pa rin sila ni Ciara Sotto at nanatili pa ring mabuting magkaibigan. Okey lang kung nililigawan ito (Ciara) ni Paolo Ballesteros at natutuwa siya kapag napapanood silang dalawa sa Eat Bulaga.

Zero ang kanyang lovelife ngayon dahil nakatutok ang kanyang panahon sa trabaho.

Hanga sa kanya si Aga at sinabing talagang malayo ang mararating ni John at sinabing kahit sikat na ito ay hindi pa rin marunong magyabang.
Nahirapan Sa Gay Role
Ilan na ring pelikula ang nagampanan ni Michael de Mesa sa papel ng isang bading. Pero sa Dubai ay naiiba ang pag-atake nito sa role na ginampanan.

"Mahirap dahil hindi naman ako screaming faggot dito. Subdued ang acting ko at isa akong educated, refined na beautician na naging best friend ni Aga," aniya.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGELICA PANGANIBAN

AYON

BUHAY-PINOY SA DUBAI

CIARA SOTTO

DIREK RORY QUINTOS

DUBAI

PERO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with