^

PSN Showbiz

Ayaw ni Dagul kay Aga!

- Veronica R. Samio -
Nakatutuwang may mga gagawing pagbabago sa sitcom na Okey Fine, ‘To Ang Gusto Nyo ng ABS CBN, tuwing Lunes ng gabi para na rin sa kapakinabangan ng mga manonood ng naturang palabas.

Nagkaro’n ng latest addition sa sitcom sa katauhan ni Mariel Rodriguez na kung natatandaan n’yo ay unang napanood sa Extra Chellenge pero hindi na ito nag-renew ng kontrata makaraan ang anim na buwan at sa halip ay tinanggap ang alok na maging Kapamilya ng Dos dahil sa mga magagandang plano nito para sa kanya.

At sa malas ay hindi naman siya nagkamali ng desisyon dahil ipinareha siya kay Aga Muhlach sa sitcom, first time na magaganap sa show dahil for the past three years ay walang kapareha si Aga.

Dumaan ito sa audition at itinumba ang apat na nakalaban niya na pawang mga commercial models din. May bentahe pa siya sa mga ibang nag-audition dahil di na siya pina-akting pa sa harap ni Aga na tulad ng ibang nag-audition pero, siya ang napili!

Anak ni Dagul ang magiging role ni Mariel na liligawan ni Aga pero ayaw sa kanya ni Dagul at ang gugustuhin nito ay ang kanyang kakambal na si Bayani Agbayani. Isang propesor na rin si Edu Manzano sa mga bagong kabanata ng sitcom na sa kabila ng pwede ito sa mga bata ay halos di na napapanood ng mga bata dahil medyo late na itong umere. Pero, grateful ang network dahil sa kabila nito ay di pa rin bumababa ang ratings ng show after its three years of existence.
* * *
Speaking of Aga Muhlach, interesado raw ang businessman na nagbabalik movie producer na si Ed Manuel na kunin si Aga para maging leading man sa launching movie na gagawin niya para sa binuo niyang grupo na Regatta Girls. At handa siyang bayaran ito ng P10M!

Nang makausap ko kahapon si Aga at ang manager niya na si Ethel Ramos ay wala pang offer silang tinatanggap mula kay G. Manuel bagaman at sinabi ni Aga na matagal na niyang kakilala ito kung kaya hindi pa sila makakapag-comment sa lumabas na balita.

Nakausap ko rin si G. Manuel kamakailan lamang at bagaman at totoo ang plano na bigyan ng launching movie ang Regatta Girls, baka naman kay Jeri Mitchell lamang ipareha ang gwapong aktor. Si Jeri ang tumatayong pinaka-lider ng grupo.
* * *
Sa Huwebes na ang concert ni Gary Valenciano sa Music Museum na pinamagatang Gary V @22. Lahat nang hinahanap n’yo sa isang magandang palabas ay matatagpuan dito. Tulad ng mga signature songs niya from the 80’s ("Hang On", "Love Of Mine", "Each Passing Night"), inspirational hits ("Could You Be Messiah", "Gaya Ng Dati", "Take Me Out Of The Dark"), movie themes ("Sana Maulit Muli", "Natutulog Ba Ang Diyos", "Reaching Out") at ang dance hits niyang ("Shout For Joy". "Hataw Na", "Sa Yahweh Ang Sayaw").

Marami pang ibang mga bagong kakantahin at ipakikita si Gary V. kaya watch na kayo at tulungan ang Scholarship Program ng Shining Light Foundation. Pwedeng magbayad through G-Cash and get a 10% discount. Call Manila Genesis sa 7214405 locals 207/215.

vuukle comment

AGA

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

COULD YOU BE MESSIAH

DAGUL

EACH PASSING NIGHT

GARY V

REGATTA GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with