^

PSN Showbiz

Daddy ni Lovely, pinagbintangang nagbugaw

-
Aminado si Manding Mansueto na medyo nasaktan siya sa nabasang item tungkol sa kanyang anak na si Lovely Mansueto. Nabanggit doon na umano’y ibinubugaw niya ang anak sa mga Hapong nanood ng show ni Lovely sa isang five star hotel. Balana ay bumabati kay Lovely, sabay ng pagbibigay ng calling card sa naturang teen star. Nakaapekto yata sa paningin ng ilang nakapanood ang pagbibigay ni daddy Manding ng calling card at napagkamalang ibinubugaw ang anak.

"Grabe naman yang nasulat na yon tungkol sa akin. Alam ng Diyos, hindi ko pwedeng gawin yon. Member ako ng aming church sa Binondo, baka ako mahulog sa impyerno kapag ginawa ko ang ibinibintang sa akin," malungkot na kwento ng daddy ni Lovely. Kapalit daw yata ng pagtanggap kay Lovely bilang ganap na singer ang iba’t ibang intriga.

Nag-show kasi ng dalawang beses si Lovely Mansueto sa Bodega City at sa ika-25 ng Pebrero ay sa Branigan Morato naman siya kasama sina Paul Toledo at Star Benedicto.

May kontrata rin si Lovely sa World Arts Cinema Film.– Vir Gonzales

vuukle comment

ALAM

AMINADO

BODEGA CITY

BRANIGAN MORATO

LOVELY

LOVELY MANSUETO

MANDING MANSUETO

PAUL TOLEDO

STAR BENEDICTO

VIR GONZALES

WORLD ARTS CINEMA FILM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with