^

PSN Showbiz

Suicide move para kanino ang pagtatapat ng Sex Bomb at Hot Babes?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Noong araw, naiinis sila sa amin basta sinasabi naming inilalampaso lamang sa ratings ng Eat Bulaga yang MTB nila. Ipinapakita pa nila ang ratings nilang "salamat po doktor", at sinasabing may mga araw pa nga raw na tinatalo ng MTB ang Eat Bulaga. If I know, ang survey area nila ay doon lang sa Bohol Avenue kaya ganoon.

Kahit na noong panahong gustung-gusto nilang makuhang muli ang Eat Bulaga mula sa Channel 7, panay ang deny nila na inilalampaso nga ang MTB ng EB. Eh ngayong napilitan silang patayin na yang MTB dahil wala ngang mangyari, idi-deny pa ba nila na talagang napakahina nito sa audience?

Ngayon maglalagay sila ng isang show na iba na raw ang format. Kailangan talagang alternative show ang ilagay nila para iyong mga nagsasawa sa Eat Bulaga, manood sa kanila, ’yon ay kung may magsasawa na sa Eat Bulaga. Pero sa nakikita namin, matagal pa bago magiba ang show na iyan. Eh ang lakas-lakas ng dating ng Sex Bomb, at malakas din ang dating ng plaka ni Joey. Malakas ang pelikula ni Vic Sotto na sabi nga sa amin ay siyang totoong top grosser noong nakaraang festival. Yan ay mga palatandaan na hindi pa sila tatalunin kung ang hosts lang ng kanilang mga makakalaban ay mga talunang pulitiko.

Palagay namin, kung talagang gusto nilang talunin ang Eat Bulaga, kailangang kunin nila sa isang noontime show ang F4, pero kailangan matuto ang mga itong magsalita ng Tagalog.

Tapos, ano pa yong narinig namin na iyong Hot Babes ay itatapat sa Sex Bombs? Isa pa yang masasabing suicide move nila.
* * *
Noong isang araw ay nakumbida kami sa Manila Film Center, para sa presentation ng mga candidates sa Amazing Philippines Beauties. Ito iyong beauty at talent contest ng mga bading, na ang talagang layunin ay hindi lamang maghanap ng mga magagandang bading, kung di iyon ding may mga talents na maaari nilang isali sa Amazing Show na kanilang ginagawa gabi-gabi sa Film Center.

Sinasabi nga nila, kakaiba iyon sa lahat ng mga gay beauty contests. Karamihan naman kasi sa mga gay beauty contests may mga jurors lang kunwari pero ang nananalo ng pinakamalaking trophy ay iyong makapagbibigay din ng pinakamalaking pera.

Hindi ba minsan may makikita kang mga bakla, mga pangit naman talaga, pero kung magsalita, parang sila ang nanalo sa beauty contests. Pero iba riyan sa Amazing Philippine Beauties. Kailangan maganda talaga at saka may talent.
* * *
Natuwa naman kami noong araw nang malaman namin na talaga palang natulungan na ni Mrs. Gie Manaloto, ang nanay ni Smokey ang dalawang readers ng Pilipino Star na tumawag sa kanilang office. Hinihintay na lang daw ang kontrata ng magkapatid na Jonakyn at Lilybeth Tangonan ng Isabela. Pagdating noon makakaalis na sila at magtatrabaho bilang caregiver sa Canada. Tingnan mo nga naman ang swerte. Kung gusto ninyong subukan din, mag-e-mail kayo, manilacanada@ yahoo.com o kaya tumawag kayo sa 723-4514, sabihin lang ninyo na nabasa ninyo sa amin at ni-refer namin kayo mula sa Pilipino Star, tutulungan nila kayo talaga.

vuukle comment

AMAZING PHILIPPINE BEAUTIES

AMAZING PHILIPPINES BEAUTIES

AMAZING SHOW

BOHOL AVENUE

EAT BULAGA

FILM CENTER

NILA

PILIPINO STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with