^

PSN Showbiz

Raymart, di susunod kay Claudine sa Italy

-
Pinabulaanan ni Raymart Santiago ang naunang balita na umano’y aalis na siya sa kanyang soap operang Narito Ang Puso Ko ng GMA 7 kung saan katambal si Jolina Magdangal at karibal si James Blanco.

Natuklasan kasi sa istorya na pamangkin niya si Jolina, wala nang dahilan upang manatili pa siya sa show.

"Hindi ako aalis sa soap dahil marami pa akong gagawin sa role ko bilang uncle ni Jolina, kaya nga lang, di ko pa alam kung ano pa ang mga ’yon dahil wala pa sa akin ang script," paliwanag ni Raymart.

Isa pa sa mga dahilan na kaya raw siya aalis sa soap ay dahil susundan niya si Claudine Barretto sa Italy kung saan gumagawa ito ng pelikula with Piolo Pascual.

"Bakit naman kailangan ko pa siyang sundan dun? Trabaho ang gagawin niya roon. Isa pa, marami rin akong trabaho rito," sey niya.

Bukod nga naman sa taping niya ng Narito Ang Puso Ko na apat na beses niyang ginagawa sa loob ng isang linggo, may taping pa siya buong maghapon at halos magdamag ang Kool Ka Lang, tuwing Miyerkules.

Tumatakbo ang dalawang show ni Raymart at mataas ang rating, kung kaya’t isa man rito ay hindi niya iiwan. "Magagaling kasing director sina Eric Quizon at Gina Alajar sa Narito Ang Puso Ko, pati si Direk Al Tantay ng Kool Ka Lang. Puro sila dekalidad," dagdag pa niya.

Napabalita pa na balak nilang magpakasal ni Claudine sa taong ito.

"Naku! Hindi pa, matagal pa yun," pagtatapos niya. (Ulat ni LUZ CANDABA)

vuukle comment

CLAUDINE

DIREK AL TANTAY

ERIC QUIZON

GINA ALAJAR

ISA

JAMES BLANCO

KOOL KA LANG

NARITO ANG PUSO KO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with