^

PSN Showbiz

Angelika, nagpalaglag

-
Hanggang sa susunod na buwan na lang ang kontrata ni Angelika dela Cruz sa GMA-Channel 7 pero, ayon sa kanyang ama na si Daddy Ernie dela Cruz (na kanyang business manager), ire-renew niya ang kontrata.

Sabi pa ni Daddy Ernie, walang katotohanan ang mga balitang ililipat niya si Angelika sa Channel 2. "Bakit ko siya ililipat doon samantalang ang ganda-ganda ng trato sa amin ng Channel 7 management? Parehas sila at ibinibigay sa amin ang gusto namin at nararapat lamang na suklian namin ito ng loyalty!" ani Daddy Ernie.

Pinabulaanan din ni Daddy Ernie ang mga tsismis na nagpalaglag ang anak niya. "Wala bang common sense ang nagkalat ng tsismis? Hindi ba nila alam na ang isang babaeng bagong panganak o nagpalaglag ay nangangailangan ng mahabang pahinga para hindi ito mabinat? Kailan ba nawala si Angelika sa sirkulasyon? MWF ang taping niya para sa soap opera niya at may rehearsal sila for SOP every Saturday at may SOP naman siya every Sunday!" sabi pa ni Daddy Ernie na natatawa na lang sa isyu. — DENNIS ADOBAS

ANGELIKA

BAKIT

CRUZ

DADDY ERNIE

HANGGANG

KAILAN

PAREHAS

PINABULAANAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with