^

PSN Showbiz

Aktres, nagwala sa party

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dumalo sa birthday party ang isang aktres na kahihiwalay lamang sa kanyang boyfriend. Umawit ito para sa celebrator at maayos naman ang pagkakaawit. Pero uminom ito ng alak kaya tipsy na nang kumanta for the second time. Sa third song ay wala na ito sa tono. Kaya may sumigaw na bisita ng "Hoy! tama na. Umupo ka na! Parang wala sa sarili na tinapos ng aktres ang ikatlong kanta.

Naisip ng mga bisita na labis nitong dinamdam ang paghihiwalay nila ng aktor kung kaya ito nagwawala.
Angelika, Hinaharana Na Sa Pulitika
Ngayong nalalapit na ang eleksyon ay panay ang pagtungo sa bahay nina Angelika dela Cruz ng ilang opisyales ng Malabon para hingin ang desisyon nito hinggil sa kanyang pagtakbong konsehal sa kanilang bayan. Pero, urong-sulong pa rin ang aktres at ang iniisip ay ang mga showbiz commitment. Nangangamba ito na baka makaapekto sa kanyang career ang paglilingkod sa bayan.

Bata pa ay gusto na ni Angel na maging public servant kaya tumutulong ito sa mga proyektong pangkabataan ng kanilang butihing alkalde. Katunayan ay nabigyan na ito ng karangalan bilang huwarang kabataan ng kanilang lugar.

Isa sa magandang katangian ng aktres ay hindi ito naaapektuhan ng intriga at ginusto pang manahimik na lang para hindi na humaba pa ang mga negatibong isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Victor Neri.
Film Editor, Himalang Nakaligtas
Nakakwentuhan namin ang sikat na film editor na si Rene Tala na nasa mabuti nang kalagayan matapos sumailalim ng operasyon na tumagal ng pitong oras. Binuksan ang kanyang ulo at binaligtad ang dalawang bahagi ng mukha para lang makuha ang cancerous tissue sa ilalim ng ilong.

Akala nito ay isang simpleng sinusitis lang ang dinaramdam pero nang tumindi ang sakit ng ulo, nagsuka hanggang naapektuhan ang mata kung saan parang nagiging cross-eyed na ito ay saka lang siya nagpadala sa ospital.

Una siyang dinala sa isang kontrobersyal na pagamutan at sa pagsusuri ay sinabing wala na siyang pag-asa dahil nasa stage 4 na ang cancer na nagmula sa kanyang ilong.

Nagtungo sila ng St. Luke’s Hospital for a second opinion at sinimulan siyang gamutin at inoperahan two weeks ago. Panay ang dasal nito bago dalhin sa operating table. Palibhasa’y mabuting tao kaya hindi siya iniwan ng mga taong malalapit sa kanya sa gitna ng pakikipaglaban para sa kanyang ikalawang buhay. Halos lahat ay nananalangin para sa matagumpay na operasyon. Laging nasa tabi niya ang pamilya at malalapit na kaibigang sina Oe San at Vivian Villahermosa. Kahit ang kaibigang si Jacky Woo ay tinawagan siya para lumakas ang loob.

After the operation ay saka lang sila nakahinga ng maluwag dahil himala itong nakaligtas at ang planong pagku-cobalt sa kanya ay di na rin naituloy dahil okey na ito. Naniniwala si Rene na kapag matibay ang pananalig mo sa Kanya ay di ka Niya pababayaan. Sabi nga nito ay walang imposible sa Panginoon.

Nagpapasalamat ito sa lahat ng mga kaibigan sa showbiz na nagdasal para sa kanya gayundin sa magagaling na doktor ng St. Luke’s.
Gigi, Ratsada Ang Programa
Magaganda ang feedback na natatanggap ni Ms. Gigi Malonzo na isa sa hosts ng Today’s Mom sa Channel 13 tuwing Sabado ganap na 11 a.m. Ayon sa mga viewers ay bitin sila sa panonood ng kalahating oras lang. Pero in fairness ay mabilis ang pacing kahit maraming segment ang programa.

Ngayon ay gagawin na itong isang oras para mapagbigyan ang kahilingan ng mga manonood. Isa sa kasama ni Gigi si Manilyn Reynes na ang segment ay ukol sa mga showbiz mom na nagsisilbing modelong ina ng tahanan at sa portion naman na nauukol sa pangkabuhayan ay nakatoka sa kanya. May legal case na tinatalakay si Atty. Joan Canete Chan.

Ang panganay nitong anak na si Christopher "PJ" Malonzo ay artista na rin at ang bunsong si CK na carbon copy ni Mayor Rey ay pwede ring maging commercial model at artista dahil showbiz ang dating nito.

vuukle comment

ANGELIKA

FILM EDITOR

GIGI

GIGI MALONZO

PARA

PERO

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with