^

PSN Showbiz

Kris nagalit kay Ipe sa "Kool"

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Maraming natawa, pero marami ring naiinis sa episode ng Kool Ka Lang, Oo Naman last Tuesday night dahil sa mga batuhan ng jokes nina Joey Marquez and Phillip Salvador.

Isa raw sa nainis si Kris Aquino as in cry-to-death daw si Kris ayon sa isang source ng Baby Talk dahil na-hurt siya sa personal na lokohan nina Joey at Phillip.

Pero mas nagalit daw si Kris kay Phillip at sinasabing bakit kailangan siyang pumayag na mag-guest.

Ayon sa mga nakapanood, sobra talaga raw ang batuhan ng mga personal jokes nina Joey at Ipe at feeling daw ni Kris ay below the belt na.

Speaking of Kool Ka Lang, true kaya na magri-reformat na naman ang programa? Gagawin na raw itong ala-Palibhasa Lalake dahil isasama na sa programa si Richard Gomez.
*****
Murang-mura palang ibinenta ni Mrs. Evelyn Mateo ang mga alahas niyang naipon noong marami pa silang pera nang maging wanted sa NBI.

Imagine ‘yun daw mga Rolex watches na ang original price ay P1.5 million ay ibinenta ng P20,000. At ‘yun daw mga diamond set - earrings and rings, mga P20,000 hanggang 40,000 lang ang halaga.

Mukha raw hindi alam ni Annabelle Rama ang nasabing bentahan dahil wanted din sa kanya si Mrs. Mateo dahil malaki ang utang nito sa nanay ni Ruffa Gutierrez sa alahas.
*****
Three years din palang nag-live in sina Gwen Garci at ang ABS-CBN talent na si Justin Cuyugan sa Baguio City. Pareho pa sila no’ng hindi artista. Si Gwen, nasa high school pa lang samantalang si Justin ay pinag-aaral din ng high school ng kanyang mother.

But all of a sudden, biglang nag-disappear si Justin. As in bigla na lang itong nawala sa bahay nila. Walang paalam. Nakita na lang uli nila si Justin nang i-launch na ito ng ABS-CBN as their talent.

She was only 15 then. Kaya nga raw, sa edad niyang 15 hindi na siya virgin. Obviously, may consent sa kanilang set-up ni Justin ang kanyang ina dahil pinag-aral pa ng mother niya ang ngayon ay actor na.

"Iniyakan ko siya no’ng mawala siya dahil galit ako. Imagine, pinag-aral siya ng mommy ko tapos hindi man lang siya nagpaalam kung saan siya pupunta," she said sa presscon ng Masamang Ugat starring Eddie Garcia, Ace Vergel and Mikey Arroyo.

Pero naging challenge sa kanya ang nangyari. Naging determined siyang mag-showbiz.

Sa modeling siya unang napasok. Ilang beses din siyang nag-join sa iba’t ibang body contest. Pero most of the time, loser siya. Hindi siya nag-give up. One time, nagpa-VTR siya para sa isang commercial na gagawin daw sa Europe. Pero hindi na ‘yun nakarating sa ibang bansa. Instead, napunta ‘yun kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

Do’n nag-start ang opportunity niya sa showbiz. Nakasama siya sa Viva Hot Babes at ngayon nga, may movie na siya and guess what, nagso-shooting na rin siya ng launching movie nila ng mga kapwa niya Hot BabesJen Rosendahl, Kristine Jaca and Myles Hernandez entitled, First Time. Sa second episode siya kasama.

Ngayon, naka-recover na siya sa trauma. Nakikipag-date na siya sa isang non-showbiz guy.

In any case, dapat sana ay three shooting days lang siya sa Masamang Ugat. Pero nakita ni Direk Willie Milan ang potential sa kanya kaya nag-decide ang director na dagdagan ang role niya.

Wala naman siyang frontal dito, pero may mga side view ang boobs niya. "Actually si Ace ang nanginig sa eksena namin," sabi niya. Kasi ba naman daw, ginawa niyang lollilop ang finger ni Ace na admitted na matagal na ring hindi gumagawa ng lovescene sa pelikula.

Kung si Gwen ang masusunod, gusto niyang maging action star like Michelle Yeoh dahil wala pang Filipina actress na masasabing action star. Pero parang hindi bagay sa character niya dahil parang mas bagay siyang magpa-cutie. Marami kasing nagsasabing kamukha siya ni Shan Cai ng Meteor Garden. "Minsan nga, nagma-malling ako na-shock na lang ako nang maraming batang lumapit sa akin. Nagpapa-autograph dahil ako raw si Shan Cai. Sinabi ko, si Gwen Garci ako. Pero ayaw nilang maniwala. Ini-insist nila na ako ‘yung napapanood nila sa Meteor Garden.

"Wala naman akong magawa. Sana nga makilala ako as Gwen Garci," pakiusap niya.

At any rate, kasama rin si Maui Taylor sa Masamang Ugat. Pareho silang excited si Maui sa movie na ‘to dahil first time nilang nakasama ang batikang si Eddie Garcia.
*****
Kailan kaya aamin sina Antoinette Taus and Dingdong Dantes?

Hanggang ngayon kasi ay deny-to-death pa rin ang dalawa samantalang obvious naman na sila talaga?

Ano naman kasi ang masama kung aamin sila?

Very often silang makitang magkasama. Nanonood sila ng sine, nagsa-shopping etc. Tapos pag tinanong mo naman, nagdi-deny?

Aamin pa kaya sila o baka naman pag split na sila?
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

DAHIL

GWEN GARCI

JUSTIN

LANG

MASAMANG UGAT

NAMAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with