^

PSN Showbiz

Eto na naman sina Echo at Tin

-
Tapos na ang matagal na paghihintay ng mga fans nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Matapos nilang sabikin ang mga manonood ng pelikula pagkatapos ng matagumpay nilang pagsasama sa Forevermore, malapit nang mapanood ang Ngayong Nandito Ka, isa pang istorya ng romansa, mula sa Star Cinema sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Ang dalawang karakter na ginagampanan nila ay nagbuhat sa opposite sides of the social and economic fence pero, nagawang mapagtagumpayan ang mga pagsubok para sa kanilang pag-ibig.

Ang dalawa sa Ngayong Nandito Ka ay gumagalaw sa mundo ng musika. Bilang Rocky at Garie, mga band members sina Jericho at Kristine, ang lalaki ay keyboardist habang singer naman si babae. Nakatakda silang magtanghal sa Japan kaya excited ang dalawa.

Pero, may problema, richie si lalaki habang purita mirasol naman si babae. Pero, nangako sila na walang iwanan hanggang sa huli. Sinubok si Rocky nang kinailangan niyang pumili between family and Garie. Naglayas si Garie, naglakad nang hindi alam ang direksyon sa bansang Hapon.

Ang Ngayong Nandito Ka ay kinunan sa Baguio City. Kasama rin sa movie si Onemig Bondoc, ang negosyante na umibig kay Garie pero siya ring naging dahilan para magkita muli ang dalawa pagkatapos ng limang taon.

BAGUIO CITY

BILANG ROCKY

GARIE

JERICHO ROSALES

JERRY SINENENG

KRISTINE HERMOSA

NGAYONG NANDITO KA

ONEMIG BONDOC

PERO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with