^

PSN Showbiz

Raymond, ‘di nalilimutan ang nakaraan kay Sharon!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Raymond, ‘di nalilimutan ang nakaraan kay Sharon!
Raymond Lauchengco.
STAR/ File

Marami ang hindi nakakaalam na big crush ni Raymond Lauchengco ang Megastar na si Sharon Cuneta, na siya ring naging dahilan kung bakit siya napunta sa showbiz.

Sa aming exclusive na panayam kay Raymond para sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo, ay inamin niya na matindi ang crush niya noon sa misis ngayon ni Sen. Kiko Pangilinan.

Nakilala ni Raymond si Megastar sa International School kung saan dati nagwu-work ang father ng singer-actor at kung saan naman nag-aral si Sharon nung high school.

In love na at that time si Sharon sa kanyang first husband, ang actor na si Gabby Concepcion, kaya walang chance na makaabante noon si Raymond sa puso nito who only sees him as a brother. “Na-brotherzone ako ni Sharon,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Raymond who is now happily married (for over 20 years) sa kanyang non-showbiz wife, ang entrepreneur na si Mia Rocha kung kanino siya may dalawang anak now in their teens na sina Natalie at Davey na parehong creative genius tulad ng kanilang ama.

Si Raymond ang naimbitahang kumanta sa debut ni Sharon na kanyang inulit sa wedding nina Sharon at Gabby Concepcion. “Masakit man sa kalooban ko na kay Gabby nagpakasal si Sharon, hindi ako nagtampo sa kanya.”

Sharon introduced Raymond to Boss Vic Del Rosario of Viva kung saan siya nag-record ng pito sa kanyang walong album.

Taong 1983 nang ilabas ang self-titled debut album ni Raymond hanggang masundan ito ng iba pang albums. Out of his best-selling albums, tatlo rito ang maituturing na kanyang classic hit songs tulad ng Farewell, Saan Darating Umaga at So It’s You at iba pa.

Nananatili pa rin silang magkaibigan ni Sharon  hanggang ngayon.

Samantala, during the pandemic, na-maximize niya ang kanyang mutti-faceted talent bukod sa singing at directing, pinasok din niya ang pagsusulat, photography, pagpipinta at pagiging sculpture. “Athough I was just home with my fa­mily, hindi ako sanay na wala akong ginagawa,” aniya.

Raymond was able to create various art pieces na kanyang pinu-post, ‘yung work in progress at finished products at dito siya nagsimulang makatanggap ng iba’t ibang comments and inquiries kung binebenta niya ang mga ito. At first ay reluctant siya pero sa kalaunan ay nagsimula siyang magbenta sa mga kaibigan at mga kakilala.

Since magaling din sa photography si Raymond, magaganda ang iba’t ibang art pieces na kanyang kinukunan ng pictures bago i-post.

Sobra niyang in-enjoy ang kanyang ginagawa until he was able to come up with a book na pinamagatang Dancing with the Wind na siya rin mismo ang nagsulat at kung saan featured ang iba’t ibang art pieces na gawa niya.

Samantala, aminado siya na ang pelikulang Bagets nung 1984 na pinamahalaan ng yumaong si Maryo J. de los Reyes under Viva Films ang siyang kanyang naging pasaporte para makilala siya nang husto along with the other members of the cast ng youth-oriented movie na tinampukan din nina William Martinez, Aga Muhlach, Herbert Bautista at J.C. Bonnin kasama sina Eula Valdez, Jobelle Salvador at marami pang iba na kamakailan ay nagkaroon ng musical version.

REYMOND

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with