Bagong Taon sa 'Wow Mali'
January 1, 2003 | 12:00am
Kung tuwing Sabado ay busog tayo sa mala medya nocheng handog na saya at kabaliwan ng paborito nating reality-prank show na Wow Mali, tripling pag-iingay naman ang ihahatid ng show sa New Years special nito ngayong January 4, 8:30 ng gabi.
Reason No. 1: Sasakit tiyak ang mga tiyan ninyo sa kakatawa dahil ipapalabas ang pinaka-klik na mga Wow eksena ng nakaraang taon, habang ginigiliw kayo ni prank master Joey de Leon mula sa Baguio City. Kaya huwag ng magtaka kung three days after New Year ay magmistulang Bagong Taon muli ang buong barrio sa lakas ng paghalakhak ng lahat. Abangan nyo na lang kung anong gimik ang bubulaga sa inyo!
Reason No. 2: Dalawang winning monthly video senders at dalawang lucky texters ang mauulanan ng bonggang grasya ngayong Bagong Taon sapagkat ihahayag na ang mga nanalo sa grand finals ng "Western-JVC-Wow Textawa Home Video" contest. Ang maswerteng JVC choice ay tatanggap ng 53" rear projection TV samantala ang viewers choice naman ay mag-uuwi ng 34" flat TV with DVD theater system. Ang mga maswerteng nag-text ng kanilang video choices ay magi-enjoy naman ng buong taon sa bago nilang JVC color TV! At ang mas magandang balita ay may part two ang Textawa promo ng ABC kaya buong taon na namang mag-aala Santa Claus ang Wow Mali!
Kaya kung nais ninyong paswertehin ng husto ang inyong New Year, sabak na sa ABC-5 ngayong Sabado ng gabi dito lang sa istasyong may pinakamahabang New Year celebration! Mabulagang New Year sa inyong lahat!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















