May gap ba sina Bing at Jaya?
December 12, 2002 | 12:00am
Marami ang nakapansin na malamig sa isat isa sina Bing Loyzaga at Jaya.
Nagkita ang dalawa nang mag-guest kamakailan sa SOP, na kung saan ay isa sa mga host si Jaya, si Bing at ang dalawa niyang anak.
Halos ay di magpansinan ang dalawa at kung mapilitan man ay very cold sila sa isat isa.
Nakapagtataka ito, lalo na sa mga malalapit sa dalawa, dahilan sa dati-rati ay best of friends sila.
Wag lang na di magkita ay hindi na sila mapuknat sa tsikahan. Ngayon daw ay parang may wall na nakapagitan sa kanila.
Gaano katotoo na si Bing ang dahilan ng kanilang pagkakaroon ng distansya?
Bukod kay Lani, sinupor-tahan na rin ng Cros-sover sina Martin Nie-vera, Regine Velasquez, Basil Valdez, Jaya, Side A Band lead vocalist Joey Generoso at Gary Valenciano.
Ang Crossover Live Tour ay magsisimula sa Enero 11 (Bacolod) at masusundan sa Enero 18 (Cebu), Enero 25 (Davao), Pebrero 1 (Pampanga) at Pebrero 8 (Manila).
Makakasama ni Lani sa Bacolod at Davao ang lead vocalist ng Side A na si Joey Generoso. Si Ogie Alcasid naman ang kasama sa Cebu at Pampanga.
Ang Lani Misalucha:The 2nd Crossover Live Tour ay nasa direksyon ni Rowell Santiago. Si Louie Ocampo ang musical director.
Iibahin ang repertoire ni Lani dito sa ikalawang edition ng Crossover. Pero sa bagong awitin ay ipakikita pa rin niya ang kanyang mastery sa pagkanta.
Dahil seryoso ang tema ng palabas, wala siyang gagawing impersonation. Sa halip, magbibigay siya ng tribute kina Barbra Streisand, Celine Dion, Bette Middler at ang mga jukebox queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Didith Reyes at ang Aegis.
"Hindi na rin ako hihiga, kumita na yun. Iisip naman ako ng ibang gimmick," ani Lani na nagpapasalamat ng malaki sapagkat naging maganda para sa kanya ang taong 2002.
Sa Biyernes, Dis. 13, mapapanood si Lani sa Bantay Bata concert, ang One For The Child na magaganap sa Fr. Blancos Garden. Makakasama niya ang San Miguel Chorale at San Miguel Philharmonic Orches-tra.
Kasama rin siya sa Back To Back, ang Christmas Special ng GMA7 na kinunan sa Our Lady of the Abandoned sa Sta Ana na napanood kagabi.
Ang dalawang natirang pelikula Spirit Warriors (MAQ) at Lastikman (Octo-Arts at M-Zet Films) ay makakasama rin sa MMFFP na tatagal sa orihinal na pitong araw hanggang sa 15-17 na araw. Pagkatapos ng panahong ito, saka pa lamang magpapalabas ng mga pelikulang dayuhan.
Qualified din ang dalawang pelikula para sa P50 M subsidy na ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Arroyo sa unang pitong pelikula at sa lahat ng awards. Makakasama rin ang mga ito sa parada.
Sinabi pa ni Mayor Rey Malonzo, chairman ng screening committee, na kung hindi lamang maapektuhan ang magiging kita ng unang pitong pelikula ay baka pagsasabay-sabayin nang ipalabas ang siyam na pelikula.
Dahilan sa mga naitala ng regulasyon para sa MMFFP, ang dalawang huling pelikula ay magsisimulang mapanood sa ikalawang linggo ng Pista ng Pelikula.
Email: [email protected].
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















