^

PSN Showbiz

Mga basurang pintasera sa 'Startalk'

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Totoo ka! Kung sino pa ang pangit, mas pintasera.

Tulad nitong mga alangang-bakla-alangang babae na ang tawag ay mga "Tigbakera" sa Startalk. Tuwing dadalo sa mga awards night o kahit sa mga pagtitipon na kung minsan ay hindi naman sila kinumbida, walang ginawa kundi mamintas sa mga bisita.

Ang ilusyon nila "fashion authority" sila. Kung meron man kasing fashion disaster, sila na nga ‘yon. Mistulang mga mukhang basura sila. Lalo pa nga noong isang Sabado na walang humpay na pang-iinsulto sa kapwa, samantalang ang mga suot nila ay higit na presentable pa ang mga segunda manong gowns sa palengke ng Bambang! Kahit sa sayaw ng bakla sa Maria Guison at Raxabago, Tondo Manila ay di sila tatanggapin.

Regaluhan nga ng mga malinaw na salamin ang dalawang lamang-lupang nagwawala sa TV, para makita nila ang itsura nila na hindi lamang kapintas-pintas. Yon ngang mga suot nilang mga damit, baka kung saang baul hinalungkat, kaya’t naghalo na ang amoy ipis (na kitang-kita sa expression ng mga mukha nila) at ang masangsang na "fragrance" ng naptalina!

Ang nakakatawa pa sa kanilang pamimintas, at nang minsang pumuri sila noong gabi ng FAMAS, palpak pa! Sinabi ba namang ‘casual elegance’ eh naka-formal wear ang tinutukoy nila, at talaga namang pormal ang okasyon.

Bakit naman pinalampas ng direktor ng show ito? Baka naman may katangahan din siya tulad ng kanyang mga tigbakera na siyang dapat laitin dahil walang K na mamintas. Baka naman kamukha din nitong mga baklang-babae ang nagdidirek sa kanila.

Ano naman ang intensyon para magkaroon ng isang kasuka-sukang portion ang isang show tulad ng Startalk? Para mag-rate lamang. Well para higit kaming maaliw, pagsirkuhin na lang o kaya’y mag-acrobatic stunt ang mga lamang-lupang ito na naging TV personality. Higit na makaka-thrill, kung kasama sa kanilang act ang kanilang direktor.
* * *
Abala sa kanyang mga ginagawang pelikula si Direktor Arman Reyes. Matagal na siya sa industriya. Nagsimula bilang scriptwriter, line producer at naging movie editor pa sa Bongga.

Malapit nang matapos ang Ligaya, Pantasya ng Bayan ni Arman, na bida sina Halina Perez, Leandro Baldemor at ang katorse anyos na si Rocky Martinez.

Ala-Summer of 42 ang plot ng bold drama ni Arman. Si Rocky na malapit nang magbinata ay nagkaroon ng pagtanggi sa isang seksing biyuda na ginampanan ni Halina Perez.

Sabi nga ni Direk Arman, mestisong Arabo si Rocky, kaya’t materyales fuerte. Ang tinutukoy niya ay ang laki ng katawan ng binatilyo.

Tiniyak ni Arman na walang graphic sex scene sina Rocky at ang seductress. Takot siyang mademanda ng child exploitation! Ang pinaka-teasing scene lang ng barakong Arabo ay isang dream sequence na very tasteful naman ang pagkagawa ayon sa direktor.

Tasteful daw, o!
* * *
Isang get-together ang gaganapin ng Piolo & Friends, today at 6 pm sa Kenny Rogers, Quezon Ave.

Lahat ng fans ni Piolo Pascual ay invited sa party. Sabi ng nagpasimuno ng okasyon na si Weng Villalobos, there will be plenty of prizes and surprises para sa lahat ng dadalo.

Marami silang inihandang mga papremyo sa raffle at ilan dito ay bigay mismo nina Judy Ann Santos at Piolo.

Siyempre ang pinakamahalaga, makakapiling ng mga tagahanga ng ilang oras at talagang solong-solo nila si Piolo sa t-par na ito.

Nagpapatunay lamang na hindi mahirap abutin ang aktor, kahit ng mga fans niya mismo. Kaya naman tuloy ang pagsikat niya.

Tapos na ang shooting ng pelikulang Nine Mornings tampok ang tambalang Piolo at Donita Rose.

Isa pang movie ang sexy romance na ang pamagat ay I Think I’m In Love na ka-partner naman niya si Joyce Jimenez ay tapos na rin.

Malapit na ring ilabas ang solo debut album ni Piolo mula sa Star Records.

vuukle comment

ARABO

ARMAN

ARMAN REYES

DIREK ARMAN

DONITA ROSE

HALINA PEREZ

NAMAN

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with