^

PSN Showbiz

Marvin, singer na rin!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Parang naalala ko ang panahon nina Vilma Santos at Nora Aunor sa pagtatapat ng pelikula nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa Enero 30. Noong panahon nila Vilma at Nora, talagang pinagtatapat sila para patunayan ng mga fans kung sino talaga ang mas maraming fans. Pero siyempre, healthy competition ang nangyayari. Walang masyadong intriga.

Sana ganito rin ang mangyari sa competition nina Jolina at Juday. Sana maging masigla rin ang lahat. Walang awayan sa pagitan nila Juday at Jolina at sa mga fans na rin nila dahil hindi maganda kung ganoon ang mangyayari.

Pagdating naman sa kanilang leading man, tulad sa kaso ni Luis Alandy na leading man ni Judy Ann sa May Pag-ibig Pa Kaya? malaking pagkakataon ito sa baguhang aktor para patunayan ang kakayahan niya bilang isang tunay na artista. Kung mapapansin natin, paiba-iba ng leading man si Judy Ann. Ang palagay ko, naghahanap ng perfect pair ang ating batang superstar. Bagama’t andiyan si Piolo Pascual, hindi pa rin naman ganoon ka-seryoso ang kanilang relasyon.

Si Jolina naman, siyempre ay may Leandro Muñoz sa Kung Ikaw ay Isang Panaginip. Si Leandro alam naman nating lahat ay nag-umpisa sa commercial at madali naman siyang tinanggap ng publiko. Sa katunayan, lahat ng pelikulang sinamahan niya ay nag-hit.

Ang publiko na lang ang bahalang humusga sa kani-kanilang pelikula. Sana nga, pareho natin silang suportahan dahil sigurado akong parehong maganda ang pelikula nila.
* * *
Isang fun run ang ginanap kaninang umaga ng KAPPT kaugnay ng pagbubukas ng bagong Greenhills mall. Nakiisa ang mag-asawang Ronnie Ricketts at Mariz at Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. Dumating din sina Gerald Madrid, Rodel Velayo at maraming-marami pang iba.

Sa pagbubukas ng bagong Greenhills mall, panibagong atraksyon na naman ito na maaaring puntahan ng ating mga kababayan na mahihilig mag-shopping at manood ng sine.

Sa management ng bagong Greenhills mall, ang aking mainit na pagbati.
* * *
Tingnan mo nga naman si Marvin Agustin, nagko-concert na. Aba may concert siya sa Ratsky Cebu. Hindi ko alam na may talento pala siya sa pagkanta na dinevelop pa niya.

Sa pagpunta niya sa Cebu, mataas ang expectation ng lahat sa kanyang concert kaya sana naman ay ibigay niya ang lahat sa kanyang performance ng hindi naman mabigo ang mga Cebuano.

vuukle comment

GERALD MADRID

GREENHILLS

ISANG PANAGINIP

JACKIE LOU BLANCO

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JUDY ANN

NAMAN

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with