^

PSN Showbiz

Anak ni mayor: Yes to kissing, no to baring

-
Nagmula siya sa angkan ng pamosong pamilya ng Atienza ng Maynila. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit pinasok pa niya ang mundo ng showbiz gayong anak siya ng punong bayan ng Maynila.

Isa nga si Lei Atienza sa mga inilunsad ng ABS-CBN sa Batch 9 ng Star Circle kamakailan.

"Hilig ko lang talaga and I’m happy dahil my family is very supportive of me. Gusto ko rin namang makilala on my own and not because anak ako ng politician or mayor for that matter," nasabi pa sa amin ni Lei.

Kung tutuusin, ayaw nga raw niyang mapag-usapan ang pagiging anak niya ni Mayor Lito Atienza. And truth is, umabot pa raw ’yon sa point na gusto niyang palitan ang kanyang apelyido.

"Pero baka magulo lang. I mean, kung gamitin ko man ang Atienza o hindi, still magki-create pa rin ng intrigue ’yon. And ’yon na rin ang naging decision ng ABS," sabi na lang niya.

Nagsilbing inspirasyon din ni Lei sina Sharon Cuneta at Kris Aquino na parehong anak ng mga sikat na politician. At wala nga raw masama if she would try her luck in showbiz.

"I told to my self, kung nakaya nila bakit hindi rin ako? Pero ang layu-layo na nila. Super big star na talaga sila. Kaya kahit siguro one-fourth lang ng narating nila, eh, okey na sa akin," aniya pa.

Marami nang TV guesting si Lei. She has appeared already in various ABS-CBN shows like Tabing Ilog, Star Studio, Flames, Maalaala Mo Kaya, Star Drama Presents, to name a few.

When asked kung okey siya sa daring roles ay napangiti lang siya. Hindi rin naman daw siya nagsasalita nang patapos but as much as possible hanggang kissing lang at walang baring. - (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

ATIENZA

DRAMA PRESENTS

KAYA

KRIS AQUINO

LEI ATIENZA

MAALAALA MO KAYA

MAYNILA

MAYOR LITO ATIENZA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with