^

PSN Showbiz

Nakakalimutan yata ng Dos si Onemig

-
May mga nagtatanong kung bakit hindi man lang daw isinama ng Channel 2 si Onemig Bondoc do’n sa apat na soap opera nila. Ano raw ba ang balak nila kay Onemig at inalis nila ito sa ASAP matapos maging regular sa Okatokat?

Ito’y mga katanungang kahit si Onemig ay hindi rin alam kung paano sasagutin. "Siguro’y may mas magaganda silang plano sa akin. Naghihintay lang naman ako, eh. Alam nila kung ano ang makabubuti para sa akin," reaksyon niya.

Hindi rin isinama si Onemig sa grupong Hunks na kung tutuusin ay puwedeng-puwede rin siya. "Hindi pa kasi fully developed ang body ko. I still need to do some workouts. Wala lang talaga akong time ngayon. Pero pag okey na ang sked ko at pag tapos na ‘yung mga out of the country shows ko and commitments, I’ll start developing my body.

"Kailangan ko na ring magpalaki ng katawan. Kung ganu’n ang labanan ngayon, puwede ko rin namang gawin ‘yon. Hintayin na lang nila," pahayag pa niya.

May mga suggestions na naririnig ngayon ang ilang malapit kay Onemig na bakit hindi na lang daw siya isama sa cast ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Sa palagay daw kasi nila ay bagay din ang kombinasyon nina Claudine at Onemig.

"I don’t know about that thing. Sa akin, okey lang naman kung saan nila ako ilagay, eh. ‘Di problema sa akin ‘yon. Ang iniisip ko lang, nag-Labs Ko Si Babe na kasi ako kaya siguro hindi na muna nila ako binigyan ng soap opera. Tumagal din naman ‘yung show namin at naging happy naman ako sa naging exposures ko do’n.

"Let’s see what will happen. Kung talaga namang para sa akin ang isang bagay, ibibigay ‘yon ng nasa Itaas. Pero kung hindi, kahit pa anong pilit ko, hindi ‘yon mapupunta sa akin," sabi pa ulit ni Onemig.

Zero ang lovelife ni Uno ngayon. May mga pinopormahan daw siya pero hindi pa niya sigurado kung itutuloy niya ang panliligaw dito. — Leo M. Bukas

vuukle comment

ARING

KUNG

LABS KO SI BABE

NILA

ONEMIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with