^

Punto Mo

EDITORYAL - Siksikan na naman sa evacuation centers

Pang-masa
EDITORYAL - Siksikan na naman sa evacuation centers

MARAMING napinsala ang Bagyong Florita sa Northern at Central Luzon noong Martes. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mahigit 200 pamilya ang naapektuhan at dinala sa evacuation centers. Pinakamarami ang na-evacuate sa Cordillera Administrative Region na binubuo ng 110 pamilya samantalang 70 pamilya naman sa Region 2. Ayon sa NDRMMC, naging maayos ang kalagayan ng evacuees sapagkat agad na kumilos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Binigyan sila ng pagkain, tubig, gamot, kumot, at iba pang pangangailangan habang nasa evacuation centers.

Ipinag-utos naman ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Interior and Local Government (DILG) na tukuyin ang mga available na evacuation centers. Siguruhin na maging maayos ang kalagayan ng evacuees.

Taun-taon, 20 bagyo ang tumatama sa bansa at karamihan sa mga ito ay malalakas at sumisira ng mga bahay. Bukod sa bagyo, pumuputok din ang mga bulkan at nagkakaroon din nang malalakas na lindol.

Sa kabila nang mga nangyayaring ito, walang nakahandang evacuation centers ang pamahalaan. Kapag dumating ang delubyo, walang pagdalhan sa mga tao. Karaniwang sa mga school dinadala kaya apektado rin ang pag-aaral ng mga bata. Inaabot nang ilang araw, minsan ay isang buwan ang inilalagi ng evacuess kaya hindi magamit ang mga school. Mala­king problema na kapag natapos nang gamitin ang mga school bilang evacuation centers, marumi na ang mga classroom at ang ilan ay mga sira-sira na. Paano pa kung magtagal ng ilang buwan ang evacuess?

Nararapat nang magtayo ang pamahalaan nang maayos na evacuation centers sa bawat bayan para mayroong pagdadalhan sa mga biktima ng kalamidad. Kailangan ay matibay ang evacuation centers at kumpleto ito sa pangangailangan. Tuunan sana ito ng pansin sapagkat ang bansa ay laging nakaharap sa maraming kalamidad. Ang kaligtasan ng mamamayan ang nararapat maging prayoridad. Sikaping magtayo sa bawat bayan nang maayos at matibay na evacuation centers.

vuukle comment

EVACUATION CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with