^

Punto Mo

EDITORYAL - Magkaisa at maghanda laban sa China

Pang-masa
EDITORYAL - Magkaisa at maghanda laban sa China

WALONG beses binomba ng tubig ng China Coast Guard ang BRP Datu Bankaw noong Lunes. Bukod sa pagbomba, apat na beses na binangga na ikinasira ng railings nito. Bukod sa pagkasira ng railings, nasira rin ang mga equipment ng barko. Maghahatid ng supply sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal ang Datu Bankaw nang mangyari ang insidente.

Ang BRP Datu Bankaw ay pag-aari ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ang ginagamit sa pagdadala ng mga suplay sa mga mangi­ngisda na madalas ding i-bully ng mga barko ng China.

Maraming beses na ring binomba ng tubig ng CCG ang mga bangka ng mangingisda. May pagkakataon na pati ang mga shell na nakuha ng mga Pinoy na mangingisda ay kinukumpiska ng CCG at Chinese militia. Ang ginagawa ng CCG ang dahilan kung bakit maraming mangingisda at kanilang pamilya ang nakararanas ng gutom. Pinagbabawalan silang mangisda sa sariling teritoryo.

Ang pag-water cannon at pagbangga sa barko ng BFAR ay madalas na ginagawa ng CCG. At sa bawat pag-water cannon at pagbangga ng CCG sa mga barko ng Pilipinas, ang laging sinasabi ng China ay pumasok daw nang walang paalam ang barko ng Pilipinas sa kanilang teritoryo. Sabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian sa nangyaring pagbomba at pagbangga nila sa barko ng Pilipinas ay kinakailangan sapagkat pumasok sa sakop ng China na walang paalam. Kailangan daw nilang gawin iyon para maitaboy ang barko ng Pilipnas.

Noong nakaraang Marso, ginitgit ng CCG ang BRP Sindangan ng Philippine Coast Guard sa Second ­Thomas Shoal. Magsasagawa ng resupply mission ang PCG at ineskortan ang barkong maghahatid nito sa Ayungin Shoal. Subalit hinarang sila ng CCG at nagsagawa ng delikadong maniubra. Nagasgasan at nabasag ang salamin ng barko ng PCG. Habang hinaharas ang BRP Sindangan, hinabol at binomba ng tubig ang maliit na barkong magdadala ng supply. Kinondena nang maraming bansa ang ginawa ng China at nagpaabot ng suporta sa Pilipinas. Nararapat daw sumunod ang China sa batas ng karagatan.

Ang pangyayari kahapon na pagbangga sa BRP Datu Bankaw ay nagbunga na naman ng mga pagkondena mula sa maraming bansa na kaibigan ng Pilipinas. Nararapat daw sumunod ang China at hindi maging marahas. Noong nakaraang buwan, sinabi ng U.S. na kapag may namatay sa mga sakay ng Philippine vessels makaraang atakihin ng China, mapipilitan na silang gamitin ang RP-US Treaty kung saan tutulong ang U.S. sa Pilipinas.

Hindi titigil ang China sa ginagawang panggigipit at pangha-harass. Balewala ang diplomatic protest. Dapat magkaisa at maghanda ang mamamayan sa ginagawa ng China. Baka isang umaga, may malagim na mangyari.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with