^

Punto Mo

Programa sa Pinoy youth, palakasin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA isang pag-aaral na ginawa ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), sinasabing ilang kabataang Pinoy na nasa edad 10 hanggang 19-anyos ay maituturing ng tomador o manginginom na ng alak.

Sa isinagawang pag-aaral sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng DOST-FNRI sinabing  humigit-kumulang 13.2 % ng mga kabataang Pinoy kung hindi man lulong na sa pag-inom ng alak ay nagsisimula na ito sa nakalipas na taon.

Lumalabas na 16.1% dito ay  mga lalaki na mas mataas, kumpara sa mga babae na 10.4%.

Higit sa kalahati o 51.4% ay nakikibahagi sa binge drinking o inuman na hindi bababa sa 5 bote o baso, habang 4 naman sa mga babae.

Ito ang nagdudulot ng alalahanin tungkol sa alkoholismo sa mßga kabataang Pilipino.

Sa ganito ring mga pangyayari kaya nga kadalasan nabibilad sa panganib ang isang kabataan.

Hindi lang ang tungkol sa maagang pagkalantad sa alak ang dapat na mabantayan ng mga ahensyang dapat eh nakatutok sa mga kabataan.

Nandyan din ang problemang kinakaharap sa maagang pagkalantad sa ilegal na droga, isama na dyan ang nagkalat na ‘solvent boys’ sa mga lansangan.

Mistulang hayagan na ang pagsinghot o paggamit ng mga kabataan sa mga substance na ito na isa ring panganib hindi lang sa kanilang sarili kundi maging sa makakasalamuha nila sa lansangan.

Dyan lamang sa Welcome Rotonda, kung saan kalapit pa ng presinto ng pulisya, kahit umaga nagkalat ang mga ‘solvent boys’ hayagan ang bitbit na  bote ng mineral water at kontodo ang singhot.

Ang mga kabataang ito, na lantad sa ganitong mga panganib na dapat namang mabigyang pansin din ng pamahalaan.

Mistulang kulang sa mga programa ang pamahalaan para mapangalagaan ang mga Pinoy youth.   

Wala na ngang programa, hindi pa napapansin na unti--unti na silang nalulugmok patungo sa pagiging problema ng lipunan kung hindi maaagapan.

Maliliit na bagay na sasabihin, pero ang malaking problema dyan manggagaling kung hindi aagapan at tutugunan.

Dapat pang makaisip ng mga pamamaraan para matugunan ang ganitong mga suliranin ng kabataaang Pinoy na siya ring madalas pagmulan ng mas malalim na problema sa lipunan.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with