^

Punto Mo

Petsay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BAGONG lipat lang sa probinsiya mula sa Maynila ang mag-asawang Lea at Dan. Ang kapitbahay nila ay malawak ang lote kaya ang paligid ng bahay ay may tanim na mga gulay. Isang araw ay napansin ni Lea na namimintana ang kanyang asawa. Sa tantiya niya ay may tinutungangaan itong kaaliw-aliw pagmasdan dahil ngising-ngisi ang asawa niya na hindi man lang napansin ang paglapit niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa likod ng asawa at nakisilip na rin sa bintana.

May babaeng naka-shorts sa katabing bahay nila na nagdidilig ng halaman. Mapuputi at mahahaba ang legs nito.

Ang ganda ng legs, ano?

Pabulong na sinabi ni Lea sa tapat ng tenga ng asawa. Gulat na gulat si Dan. Nilingon nito si Lea na parang napapahiya.

A, e...magaganda kasi ang tanim na petsay. Tingin ko ay masarap igisa sa baboy ang bagong harvest na petsay.

Sarkastikong sinagot ito ni Lea.

Petsay na gulay o ibang petsay ang pinagnanasaan mong tikman?

Sobra ka naman. Kung husgahan mo ako ay parang ang manyak-manyak ko na.

Bakit? Hindi ba totoo?

Hindi umimik si Dan. Tinapunan ng irap ni Lea ang asawa sabay talikod ito. Panakaw muling sumulyap sa bintana si Dan. Tumigil na sa pagdidilig ng halaman ang babae. Napatingin ito sa kinaroroonan ni Dan. Ngumiti ito. Iba ang ngiti ng babae. Nakakakiliti. Bukod kasi sa maganda, may mapuputi pa itong ngipin. Samantala, ipinagpatuloy ni Lea ang pagluluto. Naaasar siya sa asawang babaero.

(Itutuloy)

vuukle comment

LOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with