^

Punto Mo

Walang magawa na mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MARAMI talagang mga pasaway at matitigas ulo na walang tigil sa paglikha at pagpapakalat ng mga balitang nagbibigay pangamba sa ating mga kababayan.

Marami pa rin ang palaging nakikisawsaw sa mga kaga­napan, hindi para tumulong kundi para lalong manggulo sa sitwasyon.

Pagkatapos ng sunud-sunod na pagsabog sa Jolo Cathedral at kasunod nga ang naganap na pag-granada sa mosque sa Zambo­anga City, mistulang marami ang sumakay sa mga pangyayari.

Nagpapakalat ng mga kung anu-anong balita na lumilikha ng takot at pangamba sa marami.

Isama pa dyan ang halos araw –araw na mga gawang bomb threat ng ilan.

Kamakalawa lamang halos magkakasunod ang natanggap na bomb threat ng Taguig City hall at sa dalawang lugar sa Makati.

Hindi naman maaaring hindi ito marespondehan ng mga kinauukulan dahil buhay ang nakataya. Resulta negatibo sa bomba na mabuti naman.

Naku, nauna pa rito marami ang ipinapakalat na text messages tungkol sa umano’y may magaganap na pagsabog.

Bagamat hinikayat ng pulisya ang publiko na iignore ang ganitong mga panloloko, marapat din naman na maging mapagmatyag at tumulong sa kapulisan sa pagbabantay.

Sa mga walang sawa namang nagkakalat ng ganitong mga panglolokong banta, ay dapat

nang tigilan dahil nagsa­sagawa na rin ang mga awtoridad ng paraan para matunton ang mga ito at mapanagot sa ginaga­wang paglikha ng takot at pangamba sa mga mama­mayan.

vuukle comment

JOLO CATHEDRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with