^

Punto Mo

Ang nawawalang bisikleta

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MALAPIT ang bahay niya sa pinapasukang opisina kaya bisikleta lang ang gamit niya pagpasok. Namamasukan siya bilang messenger/janitor habang nag-aaral sa gabi. May permanente na siyang parking space sa opisina para sa kanyang bisikleta na mahirap makuha ng magnanakaw.

Isang araw ay may iniutos sa kanya na kinailangang sumakay siya sa service van ng opisina. Iniwan niya ang bisikleta sa parking lot. Gabi na siya nakabalik sa opisina para kuhanin ang kanyang bisikleta. Anong gulat niya…nawawala ang kanyang bisikleta!

Kinabukasan ay inireport niya ang pagkawala ng bisikleta. Nakiusap siya sa mga namamahala ng CCTV kung puwedeng rebyuhin ang security tape. Kasama ang mga guwardiya, kitang-kita nila kung paano nawalang parang bula ang bisikleta. Walang taong kumuha. Parang special effect sa pelikula na bigla na lang itong nawala sa kinatatayuan nito. Isang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pangyayaring ito.

vuukle comment

BISIKLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with