^

Punto Mo

Sir Juan (103)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHAN-DAHAN si  Nec­tar sa pagpasok sa loob ng kuwarto ni Mahinhin. Nakahinga siya nang maluwag nang masiguro na wala si Mahinhin. Baka nasa school na ito o baka nasa laundry. Mula nang bumalik si Mahinhin sa boarding house ay hindi na niya kabisado ang sked nito. At hindi rin niya alam kung nagsasayaw pa ito sa KOLEHIYALA. Sandaling nag-isip si Nectar. Baka hindi na ito nagsasayaw dahil na-raid yata ang KOLEHIYALA ayon kay Gringo. Baka nga hindi na. Sino kung ganun ang nagpapaaral sa malandi. Baka si Sir Juan na? Nilandi nang husto si Sir Juan at nagtagum-pay dahil nakipaghalikan na. Malanding babae!

Pinagmasdan ni Nectar ang kabuuan ng kuwarto ni Mahinhin. Malaki pala ang kuwartong ito. At solong-solo ng malandi. Baka hindi na rin pinagbabayad ni Sir Juan ang malanding iyon. Nakadama rin siya ng inis kay Sir Juan. Bakit nagkagusto siya sa nude dancer? Mas nagustuhan pa niya ang nagbuyang­yang ng “petsay” gayung narito naman siya na halos ipag-alukan na ang katawan. Hindi niya maintindihan si Sir Juan! Sa tingin niya ay torpe pero nakikipaglambutsingan sa malanding si Mahinhin. Hindi talaga niya malaman kung ano ang gusto ng matandang binatang ‘yun.

Hanggang sa mapagtuunan ni Nectar ang antigong drawer malapit sa kama. Nilapitan niya iyon. Siguro’y gamit pa ito ng nanay ni Sir Juan na si Aling Encar. Binuksan niya. Nakita sa loob ang mga pampa-beauty ni Mahinhin --- pampahid sa mukha, lotion, sunblock, at kung anu-ano pa.

Napangiti si Nectar. Mayroon siyang naisip para kay Mahinhin. Tiyak sa naisip niya, makakaganti na siya kay Mahinhin. Pinag-aralan niya kung paano iyon gagawin. Kailangang malinis na malinis ang pagkakagawa para hindi siya mapagbintangan.

Pagkaraan ay dahan-dahan siyang lumabas sa kuwarto. Marahang isinara iyon.

Bukas na bukas din ay isasagawa niya ang plano. Saka nagtawa nang lihim si Nectar.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALING ENCAR

ANG

BAKA

BAKIT

BINUKSAN

BUKAS

HINDI

MAHINHIN

NIYA

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with