^

Punto Mo

Sir Juan (54)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO ang masasabi mo kay Mahinhin, Sir Juan?’’ Tanong ni Nectar na nakangiti na para bang masayang-masaya sapagkat natupad na ang plano.

“Parang hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon, Nectar.’’

“Kitang-kita ng dalawang mata mo, Sir Juan. Nakabu­yangyang ang mga itinatago ni Mahinhin. Di ka pa ba makapaniwala?’’

“Kasi’y mas maganda kung nakita ng dalawa kong mga mata.’’

“Pero maliwanag na eto na nga siya Sir Juan. Tingnan mo ang kanyang paglalantad ng mga itinatago. Di ba niloko ka niya? Nagsinungaling siya sa kanyang tunay na trabaho. Bakit kailangan niyang magsinungaling?’’

“Sabagay nga.’’

“Maaatim mo ba Sir Juan na ang nakatira sa pamamahay mo ay sinungaling at may ginagawang malaswa?’’

Nag-iisip si Sir Juan.

“At ano ang malay natin na baka hindi lamang ang pagbibilad ng hiyas ang alam niyang gawin. Baka, nagbebenta na rin siya ng aliw sa customer. Baka itini-takeout siya. Baka kinakalakal niya ang kanyang hiyas.’’

Nanatiling nag-iisip si Sir Juan. Kung buhay kaya ang ina niyang si Aling Encar, papayagan kaya niyang patirahin sa boarding house si Mahinhin? Kilala niya ang kanyang ina na isang disciplinarian. Ayaw nito sa malalanding boarders. Kung maaari nga walang dadalaw na lalaki sa boarding house. At nag-imposed pa ng curfew noon ang kanyang ina. Hindi puwedeng atrasado ang pag-uwi. Kapag naatrasado, paga-galitan at papayuhan. Katwiran ng kanyang ina, kapag may nangyari sa kanyang boarders, siya ang sisisihin.

Pero ngayong siya na ang namamahala, nagluwag siya sa boarders. Ayaw kasi niyang nasasakal ang boarders. Gusto niyang makagalaw ang mga ito. Lipas na ang pamamahala na walang iniwan sa martial law.

At sa kaso ni Mahinhin ay tila naguguluhan siya. Hindi niya alam ang gagawin.

‘‘Malas sa bahay ang taong may ginagawang kalaswaan. Kaya kung ako sa’yo, Sir Juan, dapat paalisin mo siya.’’

“Pag-aaralan ko, Nectar.’’

Napangiti si Nectar. Muk­hang magtatagumpay na siya. Ha-ha-ha!

ISANG balak ang binuo ni Sir Juan. Kailangang masundan niya si Mahinhin para matiyak kung totoo ngang nude dancer ito sa KOLEHIYALA.

Isang gabi, dakong 6:00, palihim niyang sinundan si Mahinhin. Kailangang makita ng dalawang mata niya ang katotohanan.

Hanggang sa makita  niyang pumasok sa KOLE­HI­YALA si Mahinhin.

Nanlumo si Sir Juan. Totoo nga ang mga sinabi ni Nectar. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALING ENCAR

ANG

AYAW

JUAN

KAILANGANG

MAHINHIN

NIYANG

SIR

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with