^

Punto Mo

Married in Heaven

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ABALA sa pag-aasikaso ng kanilang nalalapit na kasal sina Cris at Ela nang sa di inaasahang pagkakataon ay bumangga ang kanilang kotse sa malaking trak na kasalubong. Sa isang iglap ay nalagutan ng hininga ang magkasintahan.

Sa waiting area ng Heaven, saka lang naisip ng magkasintahan ang malagim na nangyari sa kanila. Naisip nilang ituloy ang kasalan kahit nasa kabilang buhay na sila. Kaya lang kailangang makaseguro kung sa Heaven silang dalawa mapapapunta. Kaya’t nang humarap sa kanila si St. Peter at sinabing sa Heaven sila papapasukin, nag-inquire si Cris tungkol sa kasalan.

St. Peter puwede bang bago kami tuluyang pumasok sa Heaven ay magpakasal muna kami?

Aba, first time lang na may mag-request sa akin na ikasal muna sila bago pumasok sa Heaven. Wait lang. Babalik ako sa Heaven para magtanong kung paano pagbibigyan ang inyong request. Okey?

Nanatiling nasa waiting area ang magnobyo. Lumipas ang isang buwan, ikalawang buwan…hindi pa rin bumabalik si Saint Peter. Inip na inip na ang magkasintahan. Habang naghihintay ay napag-usapan ng magkasintahan kung importante pa bang magpakasal dito sa Heaven? Paano kung hindi sila magkasundo at ma-realize na maghiwalay? Baka magalit si God at palayasin sila sa Heaven.

Sa wakas, sa ikatlong buwan ng paghihintay ay muling bumalik si Saint Peter sa waiting area. May kasama itong pari.

“Tumayo na kayong magkasintahan at ikakasal na kayo ng pari” sabi ni Saint Peter

“Pero Saint Peter, paano kung pagkatapos ng ilang taong pagi-ging mag-asawa namin ay naisipan naming magpa-annulment ng aming kasal?”

Namula ang mukha ni Saint Peter. Naibato niya sa malayo ang isang bungkos na susi ng langit sa sobrang galit.

“Ba-bakit po? Ano po ang masama sa aking katanungan?” tanong ni Cris na nangangatal sa takot.

Pasinghal na sumagot si Saint Peter. “Alam mo ba ang pagod na inabot ko sa paghahanap ng pari dito sa Heaven? Buti nga at may nahanap ako kahit isa. Kung mahirap makakuha ng pari, asa ka pa na may mahahanap akong lawyer dito sa Heaven?

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANO

BABALIK

HEAVEN

KAYA

PERO SAINT PETER

PETER

SAINT PETER

ST. PETER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with