^

Punto Mo

Sampaguita (165)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DINALA ng mga pulis ang bangkay ni Levi. Kinausap ni Ram ang pinaka-pinuno ng team ng mga pulis na hahanapin niya si Sam. Delikado ang kalagayan nito. Pumayag ang team leader pero kailangang makunan din ng statement ukol sa pagkamatay ni Levi.

“Pasasamahan kita sa isang pulis ko sa paghahanap sa kasama mong babae,” sabi ng pulis.

“Huwag na Sir. Ako na lang.’’

“Okey pero pasusundan kita sa iba ko pang pulis.’’

“Salamat Sir.’’

“By the way, kung ma­kakausap mo si Sir Manuel, nagpapasalamat kami sa tip na ibinigay niya para masakote ang notorious na si Levi.’’

“Makakaratinng Sir.”

Umalis na ang mga pulis. Si Ram naman ay nagmadali sa paglalakad para sundan si Sam. Nag-aalala siya na baka napahamak na ito sa killer pukyutan. Baka walang kamalay-malay si Sam na ang pinasok niya ay lugar na maraming killer pukyutan.

Pero kung hindi naman niya pinaalis si Sam kanina ay baka kung ano ang nangyari. Baka binaril ito ni Levi. Mabuti nga at dumating ang mga pulis at eksaktong naabot ang gagawin sana sa kanya ni Levi. Nagbayad din si Levi sa mga kasalanan niya. Bukod sa mamamatay tao ay drug lord din pala ang hayop. Dapat pala talaga ay barilin siya at huwag nang hayaang mabuhay. Marami na pala siyang nasirang buhay dahil sa pagkalulong sa droga.

Ngayon ay matatahimik na sila dahil wala na ang salot.

Ang problema niya ngayon ay kung nasaan si Sam. Baka napahamak na ito? Baka nahulog sa butas na may mga ahas at alakdan? Baka nahulog sa kumunoy?

Kinabahan si Ram. Kailangang makita niya si Sam. Hindi siya titigil sa pagha-hanap dito.  (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKA

BUKOD

MAKAKARATINNG SIR.

NIYA

PULIS

SALAMAT SIR.

SI RAM

SIR MANUEL

SIR. AKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with