^

Punto Mo

Alamin ang iyong tamang timbang

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

ALAM n’yo ba ang tama ninyong timbang? May taong mukhang payat, pero ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang. Kung lumampas ka ng 10 pounds sa timbang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sakit sa puso. Kung sobra ka sa timbang, may ilang tips dito para magpapayat:

1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at matatamis na inumin.

2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.

3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampapayat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.

4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanmanan ang iyong kinakain.

5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo. Good luck po.

vuukle comment

HALIMBAWA

IWASAN

IYONG

KAPAG

KUMAIN

KUNG

LAMANG

PUMILI

TIMBANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with