BOC, tinigbak ang P680-M na sigarilyo!
KAPANSIN-PANSIN na biglang nagputukan ang nagsulputang accomplishments ng Bureau of Customs ilang araw matapos iluklok sa puwesto si Customs Commissioner Atty. Charlito Martin Mendoza. Mismooooo!
Pinalitan ni Mendoza si Ariel Nepomuceno na halos maabot na ang target na trilyones na koleksiyon sa Customs duties and taxes. Mukhang may naapakan si Nepomuceno? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Kaya nang mag-take oath na si Mendoza, abayyyyy sunud-sunod naman ang trabaho ng mga bataan n’ya. Nagpapakilala, nagsisipsip, o nagpaparamdam? Ang daming katanungan naman at ang reshuffle ni Mendoza ang kasagutan d’yan.
Siyempre, napansin ng mga kosa ko ang sandamakmak na accomplishments ni Mendoza sa unang linggo n’ya sa puwesto at ang tawag dito sa police parlance ay “Oplan Pagpakilala” o sa maikling salita ay “pasalubong.” Purbidang yawaahhhhh!
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
At napansin pa ng mga kosa ko na ang pinaka na accomplishment ng alipores ni Mendoza ay ang pagtuklas ng aabot sa P680 milyon na sigarilyo, mga manufacturing equipment at raw materials sa mga warehouse sa Bustos at Guiguinto, Bulacan nitong Nobyembre 25. Wow na wow! Earthshaking, no mga kosa?
Sinabi ng mga kosa ko na sarado ang dalawang warehouses ng atakehin ng ahente ng Bureau of Customs, kasama ang PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno. Nakumpiska ang Cannon cigarettes, filter papers, menthol crystals, at iba pang materyales. Maliwanag pa sa sikat ng araw na pagawaan ito ng sigarilyo.
Siyempre, walang naarestong suspects. Hingi-huli? Ewan ko lang mga kosa dahil isinara na ng BOC ang dalawang warehouse at tuluy-tuloy pa ang imbestigasyon nila. Malilikot kasi ang utak ng mga kosa ko sa PNP at sabay komento na “pasalubong” ito.
“Pasalubong” man o hindi, malaking dagok ito sa sindikato ng sigarilyo na patuloy ding nag-o-operate sa Pinas. ‘Di ba Boss Sakur at Boss Cholo Sir’s?
Kaya’t palakpakan natin ang mga alipores ni Mendoza mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sana masundan pa ang mga malalaking accomplishments ng tropa ni Mendoza para mabura ang suspetsa na puro “pasalubong” ang inaasikaso nila.
Mga kosa, barko-barko, bode-bodega at halos araw-araw may huli ang PNP na smuggled cigarettes saang sulok man ng Pinas pero mukhang ayaw tumigil ng sindikato na nasa likod nito. Bakit? Magandang katanungan. Abangan!
- Latest















