^

Punto Mo

‘Kamay na bakal’ gamitin ng gobyerno

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TINIYAK ng gobyerno na ngayong taon na ito ay maiaalis na ang squatter families na naninirahan sa mga estero. Ang mga nakatayong barung-barong ang dahilan kaya hindi nakadadaloy nang maayos ang tubig sa estero. Sila ang dahilan kaya nagbabara ang drainage system na nagreresulta ng pagbaha sa Metro Manila.

Naglabas na ang gobyerno ng P3.2 billion budget para sa relocation ng mga iskuwater. Pero nagiging paulit-ulit lang ang problema sa squatter families. Marami na sa mga squatter ang nakapag-avail na ng relocation program noon  pero muli silang bumabalik sa pagiging squatter.

May mga squatter na kapag nakakuha nang  lupa’t bahay ay ibinebenta ito o pinauupahan at muli silang hahanap ng mga lugar sa Metro Manila na puwedeng pag-squatan.

Kailangan nang gumamit ng “kamay na bakal” ang gobyerno. Ipagbawal ang pagbebenta o pagpapaupa sa mga bahay na maa-avail ng squatter families. Kailangan na ang mismong mga benepisaryo ang dapat na makinabang sa proyekto ng gobyerno. Sinumang mahuhuli na nakinabang na sa relocation program at muling bumalik sa pagiging squatter ay  hindi na makaka-avail sa programa.

Kung hindi maghihigpit ang gobyerno sa programang ito masasayang lang ang budget. Dapat ipaliwanag nang husto sa squatter families na malaking tulong sa paglutas sa baha kung sila ay makakapaloob sa relocation program. Hindi na rin sila problema ng gobyerno sa tuwing may bagyo o iba pang kalamidad.

Ang pangunahing magpapatupad ng relocation program ay si Vice President Jejomar Binay na pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Dapat magkaroon ito ng ugnayan sa Department of Interior and Local Government  na pinamumunuan ng kanyang karibal sa pulitika na si Secretary Mar Roxas. Sa pagpapatupad ng relocation program, hindi sana mahaluan ng pulitika dahil sina Binay at Roxas ay inaasahang magsasalpukan sa 2016 presidential elections.

vuukle comment

BINAY

DAPAT

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

KAILANGAN

METRO MANILA

SECRETARY MAR ROXAS

SQUATTER

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with