^

Punto Mo

Video karera machines nina Romy at Tina Gutierrez, puksain!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GINIBA ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga nakumpiska nilang video karera (VK) machines sa Camp Crame kamakailan. Bawat CIDG field office sa Metro Manila ay natokahan ng 40 makina para maging makasaysayan ang okasyon at magsilbing leksiyon sa VK  operators sa Kamaynilaan. Maganda na sana ang proyekto ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami­ Jr. subalit nabura lahat ng pinaghirapan nila bunga sa isang insidente na kayo na mga kosa ang maghusga. Nakunan kasi ng TV camera ang isang operative ng CIDG na itinatabi ang «mother board» o PC board ng mga makina. Kaya nang ipalabas sa GMA 7 news program ang portion na yon, umani ng batikos ang CIDG at nawalang parang bula ang pinaghirapan nila. Get’s n’yo mga kosa?

Ang “mother board” o PC board kasi mga kosa ang nagsisilbing utak ng video karera machines. Kapag wala nito ang isang makina, kahit saan mo pa isaksak ang plug ay hindi talaga aandar ang video karera. Sa ngayon kasi, ang bawa’t “motherboard” ay maibebenta ng P2,000 bawat isa. Kaya nagkaroon ng suspetsa na ang itinabing “motherboard” ay ibebenta. Saan ba gagamitin ‘yan kundi i -recycle muli sa kalye, di ba mga kosa? Di naman siguro puwedeng itago yan para maging souvenir sa kampanya ng CIDG laban sa video karera? Kaya maging ang GMA news anchor na si Mike Enriquez ay nagkomentaryo na alam na ng mga newsman ‘yang tungkol sa “motherboard” at dapat isama na ito sa mga gigibain para di na mapakinabangan o maibalik sa kalye. Kaya imbes na papuri ang aanihin nitong mga bataan ni Uyami, puro kutya at batikos ang inabot nila dahil lang sa isang gustong kumita na tauhan niya.

Kung sabagay, hindi lang ang CIDG ang nagwasak ng makina kundi maging si NCRPO chief Dir. Dindo Espina. Umabot din ng 112 pirasong video karera na nakumpiska ng mga tauhan niya sa anti-illegal gambling campaign ang winasak ni Espina sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Alam ni Espina na ang video karera machines ang naging ugat sa pagdami ng kriminalidad sa Metro Manila at dapat sa mga ito ay mapuksa. Naging front din ng prostitution ang mga makina ng mag-asawang Romy at Tina Gutierrez sa Islang Puting Bato, Baseco, Parola Tondo at Parola Binondo, ayon sa mga kausap ko sa MPD. Kaya hinahamon ko sina Uyami at Espina na puksain ang mga makina ng Gutierrez couple sa Maynila. Libo kasi ang nakakalat ng makina ng mag-asawa at may mga sticker ang mga ito na “Gutierrez” para hindi magalaw ng mga bataan ng kamag-anak nilang si MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez na magreretiro na next week. Ang mga kandidatong papalit kay Gutierrez ay sina Chief Supt. Isagani Genabe, Sr. Supt’s. Robert Po at Ronald Estilles. May the best man win!

Aabangan ko ang pagpuksa nina Espina at Uyami sa video karera ng mag-asawang Gutierrez. May karugtong!

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ESPINA

KAYA

METRO MANILA

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with