^

Metro

Isko: LGU susi sa pagtupad ng ASEAN vision

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga gobernador at alkalde sa Southeast Asia na isalin sa konkretong programa at mas maayos na serbisyo ang mga layunin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang direktang mapakinabangan ng mga mamamayan.

“National visions give us direction, but local governments give those visions a destination,” pahayag ni Domagoso sa pagbubukas ng ASEAN Governors and Mayors Forum (AGMF) sa Ramon Magsaysay Center noong Nobyembre 18.

Binigyang-diin ng alkalde na mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa climate change, kalamidad, pagsisikip ng mga lungsod, kahirapan, suliraning pangkalusugan at mga banta sa seguridad. Aniya, kadalasan ay mga LGU ang unang humaharap sa epekto ng mga problemang ito at tumutugon sa panga­ngailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Hinikayat din niya ang mga lungsod at lalawigan na magpalitan ng kaalaman at karanasan sa pagpaplano, pagbuo ng polisiya at paghahanap ng mga solusyon bilang bahagi ng ASEAN Community Vision 2045. Ibinahagi rin niya ang mga programa ng Maynila sa pabahay, kalusugan, edukasyon, paghahanda sa kalamidad at pagsasaayos ng mga pampublikong lugar.

Idinaos ang forum bilang bahagi ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026, sa temang “Navigating Our Future, Together.” Binigyang-diin ni Domagoso na hindi nasusukat ang pag-unlad sa rami ng matataas na gusali o mga deklarasyon sa pagpupulong, kundi sa konkretong pagbabagong nagpapabuti sa buhay ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with