^

Probinsiya

Mangingisda binugbog ng mayor, 3 pulis dawit

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mangingisda binugbog ng mayor, 3 pulis dawit
Batangas map
Photo courtesy of Philstar.com / John Unson

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Tatlong miyembro ng San Nicolas Police Station ang nasa nasa “hot water” matapos na madawit sa iligal na pag-aresto sa isang mangingisda na umano’y ginulpi ng kanilang mayor sa Batangas dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon kay National Police Commission-Calabarzon regional director, Owen De Luna, titingnan ang naging partisipasyon ng tatlong pulis sa ulat na nakarating sa kanilang  tanggapan kaugnay sa panggugulpi umano ng alkalde sa isang lalaki sa San Nicolas, Batangas noong Agosto 26, 2026.

“Magsasagawa kami ng kinakailangang validation at makikipag-ugnayan kami sa magkabilang panig kasama ang mga akusado na pulis,” pahayag ni De Luna.

Nabatid na isang 33-anyos na mangingisda na kinilalang si Jeric Mateo ay kinasuhan umano ng pagnanakaw ng copper wire sa truck na pag-aari ni San Nicolas, Batangas Mayor Lester De Sagun.

Sinabi ni Mateo na siya ay binugbog ni San Nicolas Mayor Lester De Sagun sa loob ng himpilan ng pulisya bago siya ikinulong ng mga pulis.

Bukod sa pananakit, sinubukan pang taniman umano ng droga si Mateo subalit siya ay pinalaya ng piskalya matapos ang paunang imbestigasyon nang makitaan ng kaduda-dudang ebidensya at sa iregularidad sa pagdakip sa kanya bago ikinustodya sa police facility.

SAN NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with