^

Probinsiya

Mag-utol tinangay ng agos, nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

OAS, Albay, Philippines — Trahedya ang sinapit ng magkapatid na lalaki matapos kapwa malunod habang naliligo nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig sa irrigation dam sa Brgy. Mayao, Oas, Albay, kamakalawa ng hapon.

Walang malay na naisugod agad sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City, ang 18-anyos na si Dante pero idineklarang patay habang hanggang kahapon ay patuloy na hinahanap ng mga responders mula sa Oas Police Station, Bureau of Fire Protection at mga opisyal ng barangay ang kapatid nito na si Alvin, 16-anyos, kapwa residente ng Brgy. Ilaor Norte.

Sa ulat, dakong alas-3:55 ng hapon ay nagpaalam sa kanilang tatay ang mag-utol na may pupuntahan. Gayunman, nagpunta ang magkapatid sa irrigation dam at naligo kasama ang isa pang kaibigan.

Habang lumalangoy umano ang dalawa ay bigla silang lumubog sa malalim na bahagi at hindi na muling lumutang.

Mabilis na nakahingi ng saklolo sa mga kaanak at residente ang kasama ng magkapatid at hinanap ang mga biktima. Ilang sandali ay nakitang walang malay at palutang lutang sa ilog si Dante na agarang isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Patuloy na pinag­hahanap si Alvin.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with