^

Probinsiya

3 lalaki pinatay sa Rizal, tinapon sa daan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 lalaki pinatay sa Rizal, tinapon sa daan
Batay sa report ng Rizal Police Provincial Office, dakong alas-4:00 ng madaling araw ka­makalawa nang matagpuan ang unang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa MH Del Pilar St., sa Brgy. San Rafael, sa Rodriguez, Rizal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong bangkay ng lalaki na hinihinalang mga biktima ng summary execution o salvage ang magkakasunod na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Batay sa report ng Rizal Police Provincial Office, dakong alas-4:00 ng madaling araw ka­makalawa nang matagpuan ang unang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa MH Del Pilar St., sa Brgy. San Rafael, sa Rodriguez, Rizal.

Napadaan umano sa lugar ang bus driver na si Benjamin Dy, nang makita ang bangkay na nakasilid sa isang itim na garbage bag, at inabandona sa gilid ng kalsada kaya’t kaagad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, nakatali ang mga kamay at paa ng duguang biktima.

Samantala, dakong alas-11:30 ng gabi ka­makalawa nang matagpuan din ang dalawa pang bangkay ng lalaki sa May Puso Ave., Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal.

Isang concerned citizen na pauwi na ang nakakita sa dalawang bangkay sa gilid ng kalsada na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kaya’t kaagad na inireport sa pulisya upang maimbestigahan.

vuukle comment

BENJAMIN DY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with