^

Probinsiya

2 wanted sa rape sa Zamboanga, arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 wanted sa rape sa Zamboanga, arestado
Unang naaresto sa Barangay Zone 1 sa Zamboanga City si Joel Adion Erasga, may si­yam na kasong rape sa isang korte sa naturang lungsod, may warrant of arrest para sa kanya na pirmado ni Judge Ivy Damayo Elviña, may petsang May 13, 2024.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang dalawang wanted sa maraming mga kaso ng panggagahasa sa hiwalay na operasyon ng Zamboanga City Police Office nitong Miyerkules.

Unang naaresto sa Barangay Zone 1 sa Zamboanga City si Joel Adion Erasga, may si­yam na kasong rape sa isang korte sa naturang lungsod, may warrant of arrest para sa kanya na pirmado ni Judge Ivy Damayo Elviña, may petsang May 13, 2024.

Walang piyansang inirekomenda ang Fa­mily Court Branch 7 sa Zamboanga City para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sunod na naaresto si Rexy Gonzales sa Barangay Boalan sa Zamboanga City sa mga kasong panggagahasa.

Hindi na pumalag si Gonzalez nang pakitaan ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office mula sa Regional Trial Court Branch 15 sa naturang lungsod, may lagda ni Judge Peter ­Eisma, may petsang May 13, 2024 at wala ding piyansang itinakda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with