^

Probinsiya

Nasalanta ni Aghon, higit 51K katao na

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Nasalanta ni Aghon, higit 51K katao na
Makikitang sinasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang ilang residente sa Lucena, Quezon sa gitna ng bagyong "Aghon"
Released/NDRRMC

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 51, 569 katao ang naapektuhan ng bagyong Aghon sa CALABARZON, Bicol Region at Central Luzon, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Mana­gement Council (NDRRMC) nitong Martes.

Sa tala ng NDRRMC, kabilang sa mga naapektuhang pamilya ay nasa 25,980 katao sa CALABARZON; Bicol Region na nasa 10,476 katao habang sa Central Luzon ay nasa 8,589 namang katao.

Ayon sa NDRRMC, naitala rin na 21,225 ang bakwit o nagsilikas kung saan 14,816 sa kanila ay nanuluyan sa mga evacua­tion centers habang 6,409 nakikitira sa mga kamag-anak at kaibigan.

Nananatili namang pito ang naitalang nasawi sa bagyong Aghon.

Nasa 22 ang napinsalang kabahayan, tatlo ang naapektuhang mga pali­paran, 60 ang mga pantalan saka 38 namang mga tulay at kalsada ang apektado rin ng kalamidad.

Samantalang aabot naman sa P4 M halaga ng food packs ang ipnamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo. (Joy Cantos)

Samantala, sa ulat ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umaabot sa P534 mil­yon sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ang sinira ng bagyong Aghon.

Sa pinakahuling pagpupulong kahapon na pinamunuan ni Governor Dra. Helen Tan, nabatid na umabot na sa P119 milyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura.

Ayon kay Gov. Tan, naitala ang 1,892 na totally damaged na mga kabahayan at 12,750 Ang partially damaged.

Sa mahigit 3 milyong populasyon ng lalawigan ng Quezon, nasa 2,548 na pamilya ang labis na nasalanta ng bagyo at may katumbas na 52,771 na indibidwal.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with