^

Probinsiya

LGUs, pribadong kumpanya nag-ayuda sa El Niño victims

John Unson - Pilipino Star Ngayon
LGUs, pribadong kumpanya nag-ayuda sa El Niño victims
Tinanggap kamakalawa ng tanggapan ng gobernador ng South Cotabato ang mga relief supplies mula sa Sagittarius Mines Incorporated (SMI) para sa mga pamilya ng mga magsasakang naapektuhan ng matagal na tagtuyot.
John Unson

KORONADAL CITY, Philippines — Mahigit P1 million na halaga ng relief supplies ang magkatuwang na ipinamahagi kamakalawa ng dalawang provincial governments, grupo ng mga magsasaka at pribadong kumpanya sa mga pamilyang nawalan ng kita sanhi ng tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo dito nitong Miyerkules, idinaan ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) ang 12 toneladang bigas, canned goods, at instant noodles sa mga tanggapan nila Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu sa bayan ng Isulan at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. sa Koronadal City at sa Federation of Irrigators Association sa Matanao, Davao del Sur na agad namang naipamahagi sa mga benepisyaryo.

Ang SMI ay kontratado ng pamahalaan na mamahala ng operasyon, simula 2025, ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga ancestral lands ng mga Blaan sa Tampakan sa South Cotabato.

Pinasalamatan nitong Miyerkules ni Rolly Doane Aquino, tagapamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang SMI sa ayudang inilaan nito para sa mga residente ng probinsya na natuyo ang mga sakahan sanhi ng kawalan ng ulan mula pa nitong unang bahagi ng 2024.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with