^

Probinsiya

Mister tumalon sa rooftop habang tumatakas, tepok!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Matapos saksakin ang kinakasama                

BAGUIO CITY , Philippines — Isang mister na sumaksak sa kanyang live-in partner  ang patay matapos na tu­malon sa rooftop ng isang gusali habang tinatakasan nito ang mga humahabol na pulis sa Kayang Street ng Baguio City Public Market.

Ang suspek na itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan ay 37-anyos habang 46-anyos ang nasaksak na biktima.

Ang partners ay kapwa empleyado ng magkaibang food establishment sa Baguio City.

Sinabi ng Baguio Police na nagalit ang lalaki makaraang umuwi ng “late” sa kanilang apartment ang biktima sanhi ng kanilang pagtatalo hanggang sa saksakin ng una ang kinakasama sa balikat at dibdib.

Ang komosyon sa bahay ng maglive-in partner ay narinig ng mga kapitbahay na siyang tumawag ng tulong sa himpilan ng pulisya na may ilang metro lang ang layo.

Nang dumating ang mga pulis, mabilis na tumakbo ang suspek at umakyat sa roof deck ng 5-storey buil­ding at sinubukan niyang tumalon patungo sa katabing bubong ng isa pang gusali. Gayunman, dahil sa madilim, hindi natantya ng suspek ang distansya ng pagtalon kung kaya tuluy-tuloy na bumagsak sa lupa.

Ang nasaksak namang biktima ay nakalabas na ng ospital matapos malapatan ng lunas.

Lumalabas na hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan ng mister ang kanyang kinakasama.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with