^

Probinsiya

Motor vs pickup truck: Rider utas, angkas kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider habang kritikal ang angkas nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na pickup truck habang bumabagtas sa kahabaan ng Eastwest Road, Brgy. Litlit, bayan ng Silang.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alias na “Archel”, nasa hustong gulang habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas nito na si alias Joel, kapwa taga-Purok 158, Brgy. San Jose, Tagaytay City.

Hawak na ng pulisya ang driver ng pickup truck na si alyas “John”, nasa hustong gulang ng Montoyo St., Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang mga biktima sakay ng Yamaha YTXI na may plakang 040110 nang maganap ang insidente. May kabilisan ang kanilang patakbo at bigla nilang nasakop ang kabilang lane kung saan paparating ang Toyota Hilux pickup truck na kulay puti at may plakang NAU-1985 sanhi ng banggaan at tumilapon ang dalawa.

Napuruhan sa ulo si Archel na agad itinakbo ng mga katropa sa Silang Specialist Medical Center kasama si Joel subalit hindi na naisalba ang isang biktima habang kasalukuyan pa ring ino­obserbhan ang angkas nito.

vuukle comment

JOHN

YAMAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with