^

Probinsiya

3 pumalaot sa kasagsagan ng bagyo, missing

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PANUKULAN, Quezon , Philippines — Patuloy ang search operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa tatlong mangingisda na napaulat na nawawala sa karagatan ng Panukulan na sakop ng Polillo Group of Islands (POGI).

Sa ulat ng PCG-Southern Tagalog, nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Gereme Eracho, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa Panu­kulan, na ang kanilang tatlong lokal na mangi­ngisda ay nawawala mula noong Hulyo 22 bago ang pana­nalasa ng bagyong Egay.

Kinilala ang mga nawa­walang mangingisda na sina Elbert Sonoron, kapitan ng bangka; Roberto Sonoron, at Ronnie Mirilos.

Sinabi ng PCG na ang tatlong mangingisda ay nakipagsapalaran pa rin sa isang fishing expedition noong Hulyo 22 sa gitna ng mga babala ng paparating na bagyo.

Hindi agad inireport ng pamilya sa awtoridad ang kanilang mga nawawalang mahal sa buhay sa paniniwalang nagpunta sa ligtas na lugar para makaiwas sa bagyo.

Ang Panukulan at dalawa pang munisipalidad ng Polillo at Burdeos ay matatagpuan sa Pulo ng Polillo sa labas ng Lamon Bay at nakaharap sa Karagatang Pasipiko sa hilagang bahagi ng lalawigan.

vuukle comment

MISSING

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with