^

Probinsiya

5 patay sa bagyong Aghon, 7 pa sugatan - NDRRMC

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Cristina Timbang, Mer Layson, Tony Sandoval, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 patay sa bagyong Aghon, 7 pa sugatan - NDRRMC
Residents check their belongings after a fallen tree hit their house in Barangay Samil, Sitio Anginan in Lucban, Quezon due to typhoon #AghonPH on May 27, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasawi at pito ang nasugatan habang nasa 19,373 inidbiduwal ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon sa Luzon at Visayas Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Sinabi ni NDRRMC Director Edgar Posadas, na sa mga naapektuhang indibiduwal ay 5,343 ang inilikas kabilang ang 2,162 katao na dinala sa mga evacuation centers habang 3,181 ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Kabilang sa mga nasawi sa CALABARZON ay isang 7-buwang sanggol na lalaki na nalunod sa dagat nang tangayin ng malakas na tubig-baha ang kanilang tahanan sa Tierra del Monte Realty Corp. fish cage sa Brgy. Punta, Padre Burgos; ang 14- anyos na nalunod sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City at 50-anyos na magsasakang si Marcelino Estolino sa Brgy. Cabatang, Tiaong; pawang sa Quezon pro­vince. Pito naman ang nasugatan sa Bicol Region sanhi ng mga nabuwal na punongkahoy.

Sa report ng NDRRMC, nasa kabuuang 8,465 pamilya na may katumbas na 19,373 katao ang naapektuhan ng bagyong Aghon mula sa 158 barangay sa Luzon at Visayas Region kabilang dito ang 10,349 katao sa Bicol Region; 5,970 sa MIMAROPA at 2,026 naman sa Eastern Visayas.

Nasa 3,852 pasahero ang stranded sa mga pantalan ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Central Visayas kasama ang 35 vessels, motor bancas at 315 ro­lling cargos habang nasa 22 kabahayan naman ang napinsala sa Eastern Visayas dulot ng bagyo.

Ayon naman sa DSWD, nasa 9,000 indibidwal na lumikas bunsod ng bagyo ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Sinabi ni DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao na higit 2,500 pamilya ang nasa 165 evacuation cen­ters habang mahigit 600 pamilya rin ang pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Naglaan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P3 bilyong ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Aghon.

Bukod sa P3 bilyong standby funds, namahagi na rin ang pamahalaan ng P1.2 milyong halaga ng humanitarian assistance. Mayroon na ring mga naka-prepositioned goods at stockpiles, para masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong sa pamilyang apektado ng bagyo.

Kahapon, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa southeastern portion ng Isabela at northern portion ng Aurora.

Ayon sa PAGASA, ina­asahan ang paghina ng bagyo sa hapon o gabi ng Miyerkules hanggang sa lumabas ng bansa.

Samantala, 20 kabahayan ang napinsala matapos manalasa ang buhawi sa Brgy. Canda­ting, Arayat, Pampanga nitong Lunes ng ala-1 ng hapon na pinaniniwalaang dala ng bagyong Aghon.

Ayon kay Arayat Ma­yor Maria Lourdes Alejandrino, nagulantang ang mga residente sa malakas na ugong at biglang nanalasa ang buhawi sa kanilang mga kabahayan. Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with