^

Probinsiya

8 pulis arestado sa pag-raid sa maling bahay

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
8 pulis arestado sa pag-raid sa maling bahay
Members of the Philippine National Police (PNP) line up for the monthly rank inspection at the Manila Police District Headquarters.
STAR / Ernie Penaredondo, file

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Walong intelligence officers ang inaresto ng mga kabarong pulis sa loob ng kanilang istasyon matapos ang ginawang pagsalakay sa maling bahay sa ikinasang drug operation sa Barangay Raasohan, Lucena City, Quezon, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ang mga dinakip na police officers ay kinabibilangan ng isang captain, dalawang sergeants at limang corporals na pawang hindi pa pinangalanan na kapwa nahaharap sa mga kasong grave threats, unjust vexation at violation of domicile, at kasong administratibo.

Bunsod sa insidente, sinibak sa puwesto si Lt. Col. Reyes bilang City police chief dahil sa command responsibility. Siya ay pinalitan sa puwesto ni Lt. Col. William Angway Jr., concurrent Deputy Provincial Director for Administration, bilang OIC-Lucena City police chief.

Sa reklamo nina Renelyn Rianzales, 52, at isang Armando Paderon, ni-raid ng grupo ng mga pulis ang kanilang mga bahay nang walang kaukulang search warrants sa Purok Masagana bandang 3:15 ng madaling-araw. Tinutukan din umano sila ng baril at pinagbantaan ang kanilang buhay saka isinagawa habang kinukulimbat ang kanilang mga kagamitan.

Lumalabas na si Rianzales ay isa sa mga testigo sa Congressional hearing na isinagawa nina Rep. Dan Fernandez at Deputy speaker David Suarez kaugnay sa  Barangay at Sangguniang Kabataan election 2023.

vuukle comment

ARRESTED

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with