^

Probinsiya

7 pang BIFF terrorist, sumuko

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Pito pang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa isang unit ng 6th Infantry Division noong Linggo sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur.

 Mahigit 200 na mga kasapi ng teroristang grupong BIFF mula sa Maguindanao del Sur, North Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao del Norte ang sumuko na sa 6th ID nitong nakalipas na taon.

Ayon sa mga opis­yal ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, tatlo sa pitong sumukong mga BIFF members ay bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices.

Ayon kay Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th ID, ang pitong pinakahuling sumukong miyembro ng BIFF ay pumayag na magbagong buhay na sa pakiusap ng mga opisyal ng 33rd Infantry Battalion at mga traditional Moro leaders sa Maguindanao del Sur.

Hindi na muna ibinun­yag ng 33rd IB at ng 6th ID ang pangalan ng pito para sa kanilang seguridad.Kilala ang BIFF sa pagiging marahas sa mga tumiwalag ng mga kasapi at kanilang mga pamilya.

Ang BIFF at mga kaalyadong Al-Khobar at Dawlah Islamiya ang siyang tinuturong mga res­ponsable sa pambo­bomba sa Central Min­danao nitong nakalipas na pitong taon.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with