^

Probinsiya

Kakaibang kuwago nasagip sa Tayabas City

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Quezon, Philippines — Nailigtas ng isang residente sa bayang ito ang isang kakaibang uri ng Philippine owl o kuwago, kamakalawa.

Ang naturang species ng Philippine scops owl ay agad nai-turnover ni Dexter Sacramento ng Barangay Calumpang sa Tayabas City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na siya namang nagdala ng natu­rang ibon sa City Veterinarian Office.

Ayon kay Isagani Re­quizo, City Veterinarian, ang naturang ibon ay ma­lusog, walang sign ng stress, walang sign ng nasal at ocular discharges, walang hirap sa paghinga, walang ebidensya ng bali at dislokasyon ng buto at walang ebidensya ng anumang mapanganib na nakakahawang sakit.

Pinakawalan din ng araw na iyon ang kuwago at ibinalik sa kaniyang natural na tirahan.

Ang Philippine scops owl o otus megalotis ay isang karaniwang kuwago na endemic sa Pilipinas, kung saan sila ay karaniwang matatagpuan sa mga kagubatan. Kabilang ito sa Appendix II ng Convention on International Trade in Endangered Species (CITES).

vuukle comment

ISAGANI RE­QUIZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with