^

Probinsiya

Misis pinatay sa bugbog ni mister!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis pinatay sa bugbog ni mister!

Matapos abusuhin ang anak

MALINAO, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang misis matapos na mapatay sa pambu­bugbog ng kanyang sariling asawa makaraang komprontahin nito sa ginawang pang-aabuso sa kanilang 12-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa ba­yang ito kama­ka­lawa ng gabi.

Walang malay na isinugod ng mga residente at kaanak sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital pero dahil­ sa maselang lagay ay inilipat sa Daraga Doctors Hospital sa bayan ng Daraga pero idineklarang patay na ang biktimang si “Lorena” Bebe, 47-anyos habang patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang tumakas na mister na kinilalang si “Eduardo,” pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi kinompronta ni Lorena ang kanyang asawa matapos malamang inabuso nito ang kanilang 12-anyos na anak. Gayunman, nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahilan para bugbugin ng suspek ang misis. Alas-4 ng madaling araw ay walang malay na isinugod ang biktima sa pagamutan dahil sa paglala ng kondisyon sanhi ng mga sugat at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan pero hindi na ito umabot nang buhay.

Mismong ang mga anak na ng mag-asawa­ ang nagsuplong sa ka­ni­­lang tatay sa mga pulis na agad nagkasa ng manhunt operation para tugisin ang suspek habang inihahanda na ang isasampang mga kaso laban sa kanya.

vuukle comment

BUGBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with